Chapter 36
Jillian’s POV
Time check: 12:51. Good heavens, it’s late it the morning and I’m still up. Gracious whatever! It was his entire fault! Hindi ako makatulog dahil sa sinabi niyang iyon sa akin. Why does he have this kind of effect on me? Is this even healthy? That jerk caused this hollow muscular organ called heart to leap out of my flimsy chest!
Nagpagulong-gulong na ako sa kama ko. I even tried to immerse myself into the pillow and blanket but it did no help. Nagpikit-pikitan ako pero hindi ko pa rin magawang makatulog. Hirap na hirap na ako sa sitwasyon ko pero hanggang ngayon, boses niya pa rin ang naririnig ko. What’s so glorious with his voice that it keeps on echoing on my stupid head?
“Ayoko na!” hiyaw ko, habang nakaub-ob ang ulo ko sa unan.
Bakit ba pinahihirapan niya ako ng ganito? Bakit kailangang hindi siya maalis sa isipan ko? Why am I so bothered with what he said? Why am I affected with his words? Heck, Jillian. Those were just ordinary words but they’ve already swept you off your disanchored feet! Wake up, woman. This will do you no good.
I slightly slapped myself even before reality flumps over my delusions.
Gusto ko ng matulog para naman maayos ang itsura ko bukas. Pero teka, bakit ako concern sa magiging look ko bukas? Sigurado ako, isa lang ‘to sa mga antics niya. But all along, he is just planning to ruin my sanity. He would do all his best to spifflicate my yet awesome day.
Isa pa, bakit naman kasi siya magyayaya bigla na lumabas hindi ba? Baka gusto niya akong i-date kasi crush niya ako. Pwe! Nandiri ako sa sarili kong ilusyon. Iyon, magkaka-crush sa akin? Hibang na yata ako para isipin iyon. At isa pa, he didn’t tell me it is a date. What in the world it is then?
Bago pa ako mabaliw kakaisip, bumaba muna ako para makapag-relax kahit papaano. I asked for the milk’s help, but it didn’t give me any. Binuksan ko ang T.V para may mapagkaabalahan ako, pero dahil late na, wala ng matinong palabas. Baka ako lang talaga ang problema at hindi ang mga channels. Napakamot ako ng ulo at itinaas ko ang paa ko sa may couch.
Inabot ako ng limang minuto bago ako makapag-isip ng isang ideya. It was stupid, though, but I was left with no choice.
Tumayo ako at umakyat muli sa kwarto ko. Agad kong hinanap ang vicks na nasa drawer ko. I immediately opened it and rub some into the corner of my eye, but again, I failed. I am hopeless.
****
“Althea, anong nangyari sa mga mata mo?” tanong ni Mitch. Dinuro niya ang mga mata ko. They feel so freaking heavy. Kulang na lang ay lagyan ko ng suporta ang talukap ng mga mata ko para lang hindi ako makatulog.
Kinuha ko ang salamin ko sa bag at pinagmasdan ko ang sarili ko mula sa repleksyon nito. Pati ako naawa sa mga mata ko. Pakiramdam ko masyado ko silang pinuyat. Hindi ko din naman ginustong mangyari iyon, eh. Kung lang naman may choice ako, hindi sana ay kinalimutan ko na lang lahat ng mga narinig ko mula sa unggoy na Cyrus na ‘yun! Kainis! Kasalanan niya kasing lahat ‘to, eh!
BINABASA MO ANG
Have You Seen This Girl
RomanceIt's so good to love someone so much it hurts, right?