Chapter 75
3rd Person POV
“Panget ng sched natin,” reklamo ni Mitch habang hawak ‘yung kopya ng Registration card nila. It’s second semester already and they got a crappy schedule.
“Oo nga. Bungi bungi,” Jillian added.
Paano ba naman MWF ang sched nila at siniksik dun ang mga subjects nila. They’ll spend their five months lamenting over these minor and feeling major-minor subjects.
Naglakad sila palabas ng school nang makasalubong nila sina Cyrus at James. Napansin ni Jillian na parang hindi maayos ang timpla ni Cyrus kaya tinawag niya ito.
“Psst! Ayos ka lang?” she inquired.
He seemed aloof so he answered. “Ha?”
Napabusangot tuloy si Jillian. But she didn’t mind his bad mood. Kinuha niya sa kamay ni Cyrus ang regi card nito. She felt bad upon seeing her boyfriend’s garbled schedule.
“Yuck! Panget ng sched,” saad nito ng makita na TTHF. Pinagkumpara niya kasi ‘yung time. Wala silang free time na pareho. That was bad enough to make her wallow. Sure she’ll miss their spare time together at school.
Cyrus wasn’t responding the whole time. The silence was broken when his phone rang. “I’m on my way,” wika niya nang sagutin niya ang phone.
“Una na ako,” cold na paalam nito sa kanila. Pinagtaka naman nilang lahat ang inaasta nito. Jillian was especially bothered about this. They haven’t talked for days so she doesn’t have any idea on what’s happening.
Pilit niyang tinatanong ang sarili niya kung ano kaya ang posibleng nangyari. But she couldn’t come up with any. To restrain herself from thinking too much, inisip niya na lang na baka masama ang pakiramdam niya o kaya may emergency sa bahay nila.
“Guys, sa Friday ah. Alis na si Mama, sama kayo? Hatid natin siyang airport,” tanong niya sa kanila paglabas nila ng gate.
“Sure,” sagot naman nilang lahat.
“Sige. See you. Una na ako,” paalam niya sa kanilang lahat. She went home afterwards.
Pagdating niya ng bahay, tinulungan niyang mag-empake ang Mama niya. Linagay niya din ang ibang artworks ni Mikey para kahit papaano ay hindi malungkot ang Mama niya pagbalik niya sa ibang bansa.
Habang nag-eempake sila, napag-usapan nila ng Mama niya ang plano nilang pagma-migrate. After Mikey’s high school graduation, susunod na sila ng Papa niya sa ibang bansa. Siya na lang ang maiiwan dito kaya nag-aalala ng husto ang Mama niya.
“Pwede mo namang ipagpatuloy ang college mo doon,” her Mom told her.
“Ma, 2 years na lang ga-graduate na ako. Sayang naman po,” she explained.
“Pero maiiwan ka dito mag-isa, sino magbabantay sayo?”
BINABASA MO ANG
Have You Seen This Girl
RomanceIt's so good to love someone so much it hurts, right?