Chapter 70
Jillian's POV
"Babalikan kita, pangako hahanapin kita."
"Maghihintay ako. Basta pramis mo babalik ka a."
"Oo naman, saglit lang ako dun."
"Paano kung di mo na ko makita?"
"Naniniwala ka ba sa Destiny?"
"Destiny? Oo."
"Sabi ng mommy ko kahit na ilang taon, kahit gaano katagal, kahit anong mangyari at kahit na gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao sa isa't isa, magkikita at magkikita pa rin sila. Yun daw ang Destiny."
"Promise?"
"Promise."
**
"Althea! Bangon na!"
Naalimpungatan ako ng may maramdaman ako na sumasampal sakin. I'm already half awake.
Gumulong ako sa kabilang side ng kama ko. "Ano ba Mitch. Namimiss ko na matulog, please naman o! Ilang days na kong puyat! Walanjo naman e," reklamo ko habang tinatakpan ang mukha ko nung unan.
"Ayt! Umayos ka nga! Gutom na ko. Sabi mo puntahan kita sa bahay niyo. Tapos eto dadatnan ko tulog ka lang."
"Sabi ko kasi 10 am!" tiningnan ko yung wall clock sa kwarto ko, "grabe 8 am palang."
"Advance lang ako! Ee! Kasi naman e!"
"Si James na lang kasi isama mo."
"Hindi pwede, nagbasketball sila nina Cy."
"Ba yan! Kainis ka!" tumayo na ako at nag diretso sa cr para maghilamos. What can I do? Pasalamat to bestfriend ko siya kung hindi baka tapos na buhay neto.
After 30 minutes bumaba na din kami. Ano ba kasing naisip ko at pinapunta ko siya sa bahay, nagsisi tuloy ako.
"Goodmorning ate," bungad sakin ni Mikey pagbaba na pagbaba ko.
"Ginagawa mo dito?"
"Bahay ko din naman to a."
"Alam ko. Ibig kong sabihin bakit di kayo umalis ni papa?"
"Hinihintay ko kasi si Kuya Cy, pupunta ba siya sa bahay Ate? Ha Ate? Pupunta ba si Kuya? Ha?"
Inalis ko yung kamay niya sa damit ko. "Ano ba Mikey! Di ka na naumay sa pagmumukha nun. E lagi andito yun e."
"E kasi e! Namimiss ko na siya e."
PPOOOOOOOOOOOOOOOOKKKKKKKK!
"Aray ate Mitch, bakit ka ba nanapok diyan?" reklamo niya kay Mitch.
"E kasi naman! Hello! Ang ate mo ang girlfriend, hindi ikaw. Atribida to."
"Nakikidama lang. Dapat kasi ako panganay e. Para kami ang nagkatuluyan."
"Asa ka!" sabay pa kami ni Mitch.
BINABASA MO ANG
Have You Seen This Girl
RomanceIt's so good to love someone so much it hurts, right?