Chapter 10 Acquaintance

28.4K 215 11
                                    

Chapter 10

Jillian's POV

It wasn't really fair that someone as rude as him should look so gorgeous. Really, it wasn't fair. No person should be blessed that much. He doesn't deserve that.

Nakakayamot ang ugali ng lalaking iyon kahit kailan. Doesn't he know how to be considerate? He could have saved my time kung sinabi niya una pa lamang na wala siyang plano na pumunta, hindi iyong pinaikot-ikot niya pa 'yung usapan. Nakakairita. Pakiramdam niya ba lahat ng tao natutuwa na makausap siya? He's dead wrong if that's the case. Hindi ko alam kung anong pinakain niya sa kulto niya-este fangirls niya at nahuhumaling sila sa kagaya niyang napakasama ng ugali.

Bakit siya pa? Puwede namang ibigay ang kaguwapuhan sa ibang tao pero bakit niya nasalo? Hindi ko maintindihan iyon! Naguguluhan na talaga ako. Kanina lang halos patayin ko siya sa utak ko, ngayon naman kulang na lang paulanin ko siya ng pamumuri. Good grief, I don't want this to happen. No. Not ever again.

Umuwi ako sa bahay ng masama ang loob. I got rejected by the person I hate the most. Nakakasira ng pride ang nangyaring iyon.

Yumukos ang mukha ko nang mabasa ko ang text ng classmate ko.

Hi, Jillian. 'Yung kina Cy, ah. Nagcheck ako sa sched. ng Negative Zero, wala ng vacant sa kanila, ACES lang walang sched. ng araw na 'yun. Please.

Kasalanan ko ba na busy ang iba sa org. nila? Bakit kailangang ako pa? Ano bang problema nila sa akin? Why are they making my life unequivocally detestable?

I started typing, Miss President. Pasensya na, hindi kasi pumayag 'yung balahurang lalaking 'yun.

Delete. Delete. Hindi ko siya puwedeng laitin sa President namin dahil crush niya si Japheth at kaibigan niya si Cyrus.

I'll try my best.

No, I did try my best pero sabi nga it wasn't enough. Walang puso ang kagaya ni Cyrus kaya imposible ng mangyari ang gusto niya.

Asahan namin 'yan, ah. Thank you, girl. Mahal ka namin.

Tse! Ganiyan naman sila, eh. Magaling lang kapag may kailangan. Hmp! Gumulong gulong ako sa kama ko dahil sa sobrang stress ko. Hindi ko na yata kakayanin pa bukas. Bakit naman kasi agad agad sila magsabi? Hindi man lamang a week ahead. Ano bang palagay nila sa akin, cowboy gumalaw?

I didn't reply afterwards. Bahala na.

At dahil sa sama ng loob ko, nagpasya ako na gumala muna. Hindi ko din alam kung saan ako pupunta, pero dinala na lang ako ng mga paa ko sa Town Square. Ang layo ng binyahe ko para lang marelieve ang inis ko. Matagal din kasi ang biyahe mula sa bahay namin hanggang dito kaya hindi ako masyadong madalas dito sa TS. Nagpupunta lang ako dito paminsan-minsan. Lagi ko rin kasing binibili iyong churros, pangalawang comfort food ko bukod sa apa.

Mainam ang panahon ngayong hapon dahil hindi mainit kaya nag-eenjoy ako sa tila ba soul searching ko. Pero sa palagay ko pati soulmate ko makikita ko din. I can see Nick from here. Destined talaga kami para sa isa't isa. I knew it! I really do.

Umayos ako ng tayo nang matanaw ko siya.

"Jah," he called out.

"Nick," sagot ko. Nothing's sweeter than your name, oh boy. Kinikilig na naman ako. Baka himatayin ako bigla dito.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Nag-aalis ng stress. Masyado akong drained mentally nitong nakaraan," tapat na hayag ko.

Nginitian niya ako. Ayan na naman ang makatunaw kaluluwa niyang ngiti. Lord, bakit? Bakit ang guwapo guwapo niya kasi? Talo na naman ako, weakness ko na talaga siya.

Have You Seen This GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon