Chapter 52
Jillian’s POV
“Bakit ka namumula?” puna ni Mitch sa akin. She even pointed her filthy hands on my cerise face.
Hindi ako agad nakasagot. I became even more tongue tied because of the question. Hindi ko din kasi alam kung bakit ganito ang reaksyon ko. It has been minutes since Nick left. Nakarating na ako sa room namin. Iniwan ko na nga si Renz kanina dahil sa sobrang kahihiyan na naramdaman ko. I was just in fear that he would ask abashing questions that would blow my mind. Iba pa naman mang-inis ang taong ‘yun.
Umismid ako. “Napagod lang siguro ako sa paglalakad. The heat went on my face, I guess. Fatigue?” I reasoned out. I have this God-I’m-obvious face. But even before she could retaliate, I erupted immediately. “Ikaw nga ang namumula diyan, eh. Spill it. Bakit kanina pa hindi maalis ang ngiti diyan sa labi mo?”
That was the truth. Mula nang magkita kami kanina ay kapansin-pansin na good mood siya. She was ever smiling. She’s been a brisk. I wonder what happened to turn her into this. What kind of necromancy just happened?
“What? Ano bang sinasabi mo diyan? Hindi naman, eh,” nahihiya at nauutal na sagot niya. Weh? Eh, halata naman sa pag-stutter niya na mayroon siyang linilihim. I’m not that dense not to notice. It was practically obtrusive.
“Come on! Don’t lie. Ano nga ‘yun? Do I have to make you tell me? Or you will volunteer?” I challenged.
She shivered in fear. Tss. Madali talagang mabuko ang isang ‘to. A little more pleading and she would become a push over. At least in our friendship, I get to benefit with that.
“Nahihiya kasi ako.” She giggled. Ang arte, ha.
Tumayo ako para iurong ang upuan ko. Baka kasi biglang pumasok si Aicelle at magalit siya kapag magulo ang seating arrangement. Medyo keen pa naman ‘yun sa halos lahat ng bagay. I don’t want to have a brawl with her that’s why I have to be careful with my moves. Wala pa naman ako sa mood ngayon.
Nang makalapit ako sa kaniya, agad kong pinaling ang aking katawan para marinig ko ang bawat detalye ng sasabihin niya. I can’t lose track of the present events here, especially when it has something to do with my friends. “Dali na. Ano ba ‘yun?” I asked. My eyes are like of those professional rumormongers.
Napakamot siya ng kaniyang ulo. Umismid siya pero nang mapansin niya na hindi talaga ako matitinag, sumuko na din siya. She exhaled a deep breath. “I think I am in love with James,” she honestly said.
I arched a brow. “You think?” I reiterated.
“Yup.” She smiled.
“Come on, Mitch!” I grumbled upon hearing her say that. I don’t want to burst her bubble but I think she’s missing the point here.
“Bakit naman ganiyan ka maka-react?” Kumunot ang kaniyang noo.
BINABASA MO ANG
Have You Seen This Girl
Storie d'amoreIt's so good to love someone so much it hurts, right?