Chapter 78 Give your heart a break

14.9K 114 17
                                    

Chapter 78

Jillian’s POV

Days had passed and everything that had happened was horrible. I have to enshroud the pain I’m feeling inside. I’m trying my hardest to be strong. I wake up every morning full of fake courage inside me.

I know that I couldn’t escape pain, it will haunt me. So I pretended that everything’s normal though my heart starts to feel abnormal.

Noon akala ko kapag nagmahal si babae, mamahalin siya ni lalaki. And they live happily ever after. Period. Pero mali pala ‘yung belief ko na ‘yun.  Tss. I got it all wrong, ain’t I?

Pumasok ako sa school ng nakapusod ang buhok, naglagay ako ng kaunting blush on. Nag-concealer din ako para matakpan ang eyebags ko; ayokong magmukhang broken hearted sa harap ng mga kaibigan ko. Sawi na nga ‘yung puso ko, kelangan ba ipagsigawan ko pa sa mundo? Ayokong kaawaan ako ng sinuman, dahil ako mismo, awang awa na sa sarili ko.

Bago ako pumasok ng room, pinansin ako ng classmate ko na siya namang palabas. “Uy, blooming ka. In love talaga,” she said while grinning.

Looks could really be so deceiving. I just smiled at her though her words left a scathe, I never wanted to lie, I just had to. I have to protect my feelings because no one will do that for me. No one got my back right now; that’s painful.

Pagdating ko sa desk ko, agad na lumapit sa akin si Mitch. “Napili ‘yung gawa mo, friend! Ang galing mo! Imagine ang isang mangmang sa literature na kagaya mo,” she was saying but I just stared at her with no emotion. I don’t know what to feel anymore. “Joke lang. Full of emotions daw kasi ‘yung gawa mo. Iba ka! Saan mo hinugot 'yun?” she continued shrilling.

Tinutukoy niya ang pinagawa sa amin sa Creative Writing and I wrote all my depressions that day -- that same day when I had my heart broken. I was drown with lugubriousness to the point that I wanted to scrap everything but I decided to just pass it, and now, napili pa ang gawa ko. May sense din pala kahit papaano ang ginawa niyang iyon sa akin.

“Tumingin lang ako sa paligid. Ang dami palang pwedeng panghugutan lalo na kapag pumipikit ka, kasi hindi mata mo ang nakakakita pero ‘yung puso mo ‘yung makakadama.”

Napanganga siya sa sinabi kong iyon. It wasn’t my intention for her to stand in awe. “GHAD! Friend, iba ka! Saang lupalop ka ba pumikit? Makapunta nga, malay mo mag-improve ako!” she kidded.

“Haha,” sarcastic na sagot ko. She pouted because of my coldness.

Lumipas ang mga araw at pinilit ko ang sarili ko na maging abala. Pero hindi sapat iyon para makalimot ako. Kapag dumadating ang mga oras na wala akong ginagawa, naiisip ko siya. This pain is consuming me.

I need a little more time. I’ll nurse my broken heart, and no one needs to know. Nagmahal ako mag-isa at nasaktan ako mag-isa kaya dapat gumaling din ako mag-isa. Kapag ayos na ako, tsaka ko na lang ipapaalam sa kanila.

  

Kaso hindi ko makita ‘yung finish line ng pagdurusa ko. Bakit ganito? Pakiramdam ko araw-araw at paulit-ulit akong nagsu-suicide. ‘Yun bang parang palagi kong sinasaksak ang sarili ko kahit na hindi ko naman gustuhin.

Have You Seen This GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon