"Ano bang sasabihin mo?"
"The moment I first saw you,parang tumigil yung mundo ko,bumilis ang tibok ng puso ko Inisip ko nga nun abnormal na ba ako?Pero hindi,I think na love at first sight ako sayo.Nakakabakla man yung sabihin.
Nakita kita nun sa may garden.Nakabusangot yung mukha mo.
Hala nakita niya pala ako nun.
Pero kahit ganun,ang cute mo parin.Simula nun inaabangan kita sa gate bago ka pumasok tsaka binabantayan kita bago ka umuwi para lang masigurong safe ka.
Ako rin yung nagbibigay ng chocolate at teddy bear na inilalagay ko sa locker mo.
Siya pala yun.
Habang tumatagal mas lalo akong nahuhulog sayo My Eira.Alam kong natatakot ka sa akin dahil nga sa Badboy ako.
Oo nga eh Badboy ka.
Pero para sayo kaya kong magbago.Gagawin ko lahat para sayo My Eira.
"Pero-"
Please bigyan mo lang ako ng chance na patunayan sayo kung gaano kita kamahal.Magbabago ako para sayo.Please..."
Hindi naman siguro masama na bigyan siya ng pagkakataon.Mukha naman siyang seryoso sa sinasabi niya.
"Si-sige"
"Talaga?Thank you"
Bakas talaga sa mukha niya yung sobrang saya.
Ng bigla niya nalang akong niyakap.
DUG...DUG...DUG...
Bat ang bilis ng tibok ng puso ko?
Abnormal na!
Lumayo naman siya agad.
"Thank you talaga"
"Sige alis nako"
"Ingat ka"
"Thank you"
At ayun na nga umalis na ako at bumalik sa classroom.
Pagdating dun para akong artista ang daming mga nagtatanong.Kairita...😈
"Anong pinag usapan niyo?"
"Anong nangyari?"
"Bat ikaw pa"
"Ako nalang sana"
"Kayo na ba?"
"Aishhhttt ,pwede ba kayong tumahimik ha?"
Nakakainis na talaga sila ah...
Buti at tumahimik na rin.
Bigla namang lumapit si Claire.
"Ayiehh,Si Sam anong pinag usapan niyo ha?"
"Ayy pati ba naman ikaw Claire?Wala lang"
"Anong wala lang?"
"Ahh basta sa susunod na"
"Basta sasabihin mo sa akin lahat ha?"
"Ok fine"
"Ayieehh"
"Tsee"
Natapos rin ang klase at nandito na ako sa may gate.
Kinuha ko yung cp ko at tinawagan si Kuya Red.
Calling Kuya Red...
(Hello po ms.sam)
Kuya magpapasundo po ako.
(Ahm ms.sam nandito po kami ng mama at kuya kiel mo sa tagaytay)
Ahh ganun po ba sige po mag cocomute nalang po ako.
(Kung gusto niyo po pupunta nalang ako diya pero matatagalan pa po eh)
Wag na po ang layo po niyan eh.Mag cocomute nalang po ako.
(Sige po ms.sam)
Sige po kuya Red bye po.
(Sige po)
Call ended....
At ayun nag hintay nalang ako ng masasakyan ng may biglang huminto na itim na kotse.
"Eira!Di ka pa uuwi?"
Si Kyser pala.
"Mag hihintay pa ako ng taxi"
"Sakay ka nalang"
"Wag na nakakahiya"
"Sige na pls.Starting today papatunayan ko sayo na mahal kita"
"Ok"
Maikling sagot ko at pumasok sa kotse.
"Pwede ba kitang yayaing mag dinner ngayon?"
"Huh?As in ngayon?"
"Oo kung ok kang sayo"
"Sige"
At ayun bago kami nakarating sa pupuntahan namin kwento lang siya ng kwento sakin.Gumagaan naman yung feeling ko sa kanya.Hindi naman pala siya nakakatakot tumatawa pa nga siya eh.For the first time ko siya nakitang tumawa at ayun lalo siyang gumagwapo.
Yeah gwapo siya.Hindi maipagkakaila.Mataas ang ilong medyo singkit na mata basta gwapo yun na yun.
"Sam pwedeng humingi ng number?"
"Sige"
"Pakitype mo nalang sa cellphone ko"
At ayun tinype ko na yung number ko.Pagkatapos ibabalik ko na sana kaso natempt akong silipin yung gallery niya.And Oh my Ghash bat may mga stolen picture ako dito.
Stalker pala tong isang to.😟
"Oh cp mo"
Kinuha naman niya.At isinilid sa bulsa niya.
(Next chapter na ang date nila.Haha😊😊)
YOU ARE READING
Breaking The Badboy
Teen FictionAng love hindi pinipilit, kusa mo itong mararamdaman kapag mahal mo talaga ang isang Tao. Pero paano nalang kung may isang taong pipilitin kang maging sa kanya ,kahit hindi mo gusto. Ngunit kapalit nito ang kanyang pagbabago,will you take to Break...