Kyser's POV
Lumipas ang mga araw.Hindi ko na siya masyadong nakikita.Alam ko umiiwas siya.Kapag nagkakasalubong kami umiiba siya ng direksyon.Tapos ngayon hindi ko naman siya makita.Panigurado ayaw akong makita nun.Hindi niya naman kasi alam kung bakit ako nakipagsuntukan nun.
Ken's POV
Naglalakad kami nila Marky at Kyser.Hinahanap si Sam kasi nag aalala si lover boy.
Ng mapadaan kami sa garden.May sumigaw na babae.Parang boses ni Sam.Kaya si Kyser nauna nang tumakbo papaunta doon.
Naabutan nalang namin si Sam na walang malay puro pasa yung braso niya dumudugo pa yung iba.
Si Kyser naman binuhat siya at dali daling pumunta sa clinic sumunod naman kami.Pagdating sa clinic agad naman siyang inasikaso ng nurse ngunit sa kasamaang palad wala ng gamot at band aid sa clinic naubusan daw ng stock.
"WHAT?Pano to naging clinic eh wala ng gamot?"
Sigaw niya.
"Naubusan na talaga kami"
Sabi naman ng nurse.
"Walang kwenta"
Sigaw niya tsaka naglakad papuntang pintuan.
"Bro,san ka pupunta?"
Tanong ni Marky."Sa pharmacy,bantayan niyo siya bibili lang ako ng gamot."
"Sige"
Sagot ko.
Kaya naman kami naiwan at nagbantay kay Sam.Nagbabasa lang ako ng libro at naglalaro naman si Marky sa phone niya ng nagising si SAM.
"Oh gising ka na pala"
Sabi ni Marky.
"Ah e bat ako nandito-arghh"
Nangingiwi siya sa hapdi ng sugat niya.
"Nawalan ka ng malay kanina,ano bang nangyari sayo?"
"Yung mga clown na yun"
Sagot niya naman.
"Bat ka naman nila sinaktan?"
"Dahil lang naman sa lider niyo,buti wala siya dito"
"Lumabas lang siya bumili ng gamot mo at band aid"-marky
"Ay alis nalang ako"
Sabi niya at akmang babangon.
"Diyan ka lang muna,huwag ka munang umalis.Hindi naman gustong makipagsuntukan dun sa kay Jackson pero ginawa niya Lang yun para sayo"
"Para sa akin,bat nanaman ako nasali diyan?"
"Ganito kasi yun"
Flashback..
Nandito kami sa likod ng college building.Ng may marinig kaming parang may nag uusap.kaya sinilip namin.
"Jackson,sigurado ka ba doon?"-boy1
"Oo naman,basta mamaya aabangan natin siya"-jackson
"Ano nga bang pangalan nun?"-boy2
"Samantha Eira Garcia bro,ganda nun"-jackson
"Ahh sige bro"-boy1
Sa narinig na yun ni Kyser agad naman niyang sinunggaban ng suntok si Jackson.
"G*go ka eh no,bat ka ba nanununtok?"
Takang tanong ni Jackson habang pinapahidan yung labi niya.
"Langya,wag na wag mong magalaw si Samantha"
"Baket?Syota mo?Di ba hindi naman?"
Sa galit ni Kyser sinuntok na naman niya si Jackson.
At yun rin yung eksenang naabutan ni Sam.
And so on.
End of Flashback....
"Hindi dapat ako nagalit sa kanya."
"Patawarin mo na siya,totong mahal ka ni Kyser alam ko yun kasi matagal ko na siyang kaibigan at alam kung seryoso siya sayo"
"Ehem*Ehem*Nandito pa po ako.Tao ako hindi hangin,hello."-marky
"Andyan ka pa pala marky Hi"
Bati sa kanya ni Sam.
"Kakausapin ko rin siya Ken,Salamat"
Sana magka ayos na kayo.
-
YOU ARE READING
Breaking The Badboy
Teen FictionAng love hindi pinipilit, kusa mo itong mararamdaman kapag mahal mo talaga ang isang Tao. Pero paano nalang kung may isang taong pipilitin kang maging sa kanya ,kahit hindi mo gusto. Ngunit kapalit nito ang kanyang pagbabago,will you take to Break...