With Her
Kyser's POV
"Kyser,punta tayo dun"
Sabi ng pinakamamahal kong babae.Ang corny ko na!Haha mahal ko nga siya eh.Walang iba kundi si Samantha Eira.Gusto niya daw pumunta dun sa may nagbibentang ice cream.Ang cute niya talaga!Nababakla na ako neto.
"Sige tara"
Kakasabi ko lang,nagmamadali na siyang pumunta dun.Childish!Sinundan ko naman siya.Gusto niya daw yung Speacial Ice Cream na Ube flavor.Umorder na ako,ube sa kanya tsaka vanilla saken.
Tuwang tuwa talaga siya habang kumakain ng Ice Cream favorite niya talaga tsaka nawawala daw ang lungkot niya kapag kumakain siya ng ice cream.Pano ko nalaman?Stalker niya nga ako diba!Matagal na.
"Oy natutunaw na yung ice cream mo"
Ay putek!Nag iimagine pa kasi ako.
Napatingin naman ako sa kanya.Ang babaeng to may ice cream pa sa gilid ng labi niya.Agad naman akong kumuha ng tissue at pinahidan yung gilid ng labi niya.Nagulat naman siya sa ginawa ko.
"May ice cream pa oh"
Sabi ko.
"Ahh thank you"
Pagkatapos namin kumain dun.Ay pumunta kami sa park.Naglibot libot lang dun.Tuwang tuwa naman siya.Ang babaw talaga ng kaligayahan ng babaeng to.Hindi maarte simple lang siya.Isa na rin siguro yun sa rason kung bakit ko siya nagustuhan.
Habang naka upo kami dito sa bench.May mga batang dumadaan na nakasakay sa bike.Napansin ko naman na napa simangot siya.
"Buti pa sila"
Bulong niya.
"Anong problema?"
"Ahhh gusto ko ring mag bike"
Haha yun pala.
"Yun lang pala!Tara"
Sabi ko.
"Ang problema hindi ako marunong mag bike"
Haha.Ibang klase yung kapatid ko ngang 3 years old marunong ng mag bike.Astig no!Nagmana sa kuya.
"Edi tuturuan kita"
"Talaga?"
"Tara na"
Nagrenta naman kami ng dalawang bike.Tinuruan ko naman siya, sa umpisa halos maiyak na siya kasi hindi nga daw siya makapag balance.Ayaw niya na daw.Pero ngayon nagyayaya ng makipag unahan sa akin.
"Sige na,pumayag ka na.Promise hindi ako mahuhulog"
"Mahulog ka lang,sasaluin naman kita"
"Haha"
"Wag kang tumawa,talagang sasaluin kita kapag nahulog ka"
Sabi ko sabay wink.Habang siya tawa ng tawa.
"Hehe,uwi nalang tayo.Napagod na ako"
Tingnan na!Napagod na siya.
Hinatid ko na siya sa bahay nila.
"Bye,salamat ulit"
Sabi niya.
"Your Welcome Bye"
Hinantay ko munang makapasok siya bago ako umalis.
Hindi ko malilimutan ang araw nato.
My Eira....
------------------------------------------------------------
*^▁^*
YOU ARE READING
Breaking The Badboy
Teen FictionAng love hindi pinipilit, kusa mo itong mararamdaman kapag mahal mo talaga ang isang Tao. Pero paano nalang kung may isang taong pipilitin kang maging sa kanya ,kahit hindi mo gusto. Ngunit kapalit nito ang kanyang pagbabago,will you take to Break...