Naghahanda na kami para sa party ni Claire.Alas sais ng hapon magsisimula at 2:00 pm na.Si Ara kanina pa kinukulit si Marky kase wala daw siyang pangregalo.Kaya ayun nagpasama sa bayan,may mall naman daw don.Habang kami ni Elgin ay nagbabalot ng regalo dito sa kwarto.Sa kanya isang mamahaling relo!Diba sosyal...Ako naman isang necklace na may sign ng infinity.Nakita ko to sa mall bago kami pumunta dito,nakaka agaw pansin kase.
Ng matapos kaming magbalot ay nag ayos narin kami ng sarili.Yung iba nilang kamag anak ay nagdadatingan narin.Ang saya saya nga nilang tingnan eh,halatang masayahin talaga ang pamilya nila.
Bandang 5:30 dumating sila Marky at Ara nakabalot narin ang mga gamit nila,hindi ko na inalam kung anong laman nun.Si Ken naman ang laki ng regalo parang kasing laki ng tao.Haha de joke!Malaki pero hindi parang human size.
Ng nagsimula na ang party.Ayun haha party party!Debut niya na nga pala,kaya ayun 18 dance at 18 roses thingy.Ako naman heto naka upo lang habang kumakain ng cake.
Then nung natapos na yun,nagsimula na ang totoong party.Yung music parang nasa disco lang.
Lights to the right.Lights to the left.
Haha...Then yung iba sumasayaw sa gitna na para bang sinasaniban ang lively kase ng music.
Ng may kamay na lumahad sa akin,
"Pwede ba tayong sumayaw?"
Ang gwapo niya talaga kahit kelan.
"Sige,as if naman na makakaayaw ako sayo"
At inabot ang kamay niya.Napangiti naman siya.Haha alangan na mag pa hard to dance pa ako.Baka maya maya may isayaw tong ibang babae masasakal ko talaga.Sakto namang pag punta namin sa gitna nag iba yung music.Yung para bang pang sayaw talaga na sweet.Haha shet!Then we start dancing..
Yung kamay niya nasa bewang ko,habang nasa balikat niya ang sakin.Waahh eye to eye contact with him.Yung mga mata niya!Ang ganda...
Ara's POV
Yeah it's me! Ara in the house yow!After naming bumili ng regalo ay bumalik naman kami agad.FC talaga ako sa kanila eh no?Haha kasalanan ko bang ipinanganak akong punong puno ng self confidence or should we say makapal ang mukha haha!Friendly naman sila kaya ok lang yun!
Then the party begins.Ngayon sweet dance na,marami ng magkakapartner ang sumasayaw sa gitna.And this man beside me.Marky!Hindi man lang ako niyayayang sumayaw,nakakainis na ah si Kyser ayun niyaya na si Sam ang sweet nga eh may palahad lahad pa ng kamay.Si Ken at Claire ayun nilalanggam na sa ka sweetan at ako malapit nang maging ampalaya.Yah bitter!Nakabusangot na nga ang mukha ko dito kakahintay na isayaw niya ako.Anong hinihintay niya?Pasko?Arghhh....
"Hi miss pwede ka bang isayaw?"
Tanong ng isang cute boy!Hihi ang gwapo...
"Uhm si-"
"No!Ako lang pwedeng isayaw niya ngayon!Back off dude,she's MY girl!"
Napa atras naman si cute boy.Aww naman,haha nagselos yata!ayan kase ang tagal.
Then itinayo ako ni Marky at sumayaw sa gitna.
"Wag kang makikipag sayaw sa iba ah dapat ako lang!Ako lang!"
Haha ang cute niya namang magselos!
"Ang tagal mo kase eh!"
And he kissed me!Sa lips....Kamatis na ba ako?Ang pula na yata ng mukha ko.Wahhh!!!
Pagkatapos nun umiwas siya.Nahihiya siya.Bwahaha maasar nga!
YOU ARE READING
Breaking The Badboy
Teen FictionAng love hindi pinipilit, kusa mo itong mararamdaman kapag mahal mo talaga ang isang Tao. Pero paano nalang kung may isang taong pipilitin kang maging sa kanya ,kahit hindi mo gusto. Ngunit kapalit nito ang kanyang pagbabago,will you take to Break...