Chapter 57

141 4 8
                                    


    Author's POV

Nasa school na ang magbabarkada,ngayon ay nasa  canteen sila at kumakain ng snacks.Masaya silang nagtatawanan at nagkukwentuhan.

Ngunit may naka aligid pala sa kanila at nagmamasid.

Ng matapos sila ay bumalik na sa kani kanilang silid.

"Sam nawawala ang ballpen ko,pasama naman sa labas oh"

Paki usap ni Claire kay Eira.Kaya naman ay lumabas sila para bumili ng ballpen ng papasok na sila ulit sa school may isang itim na van ang huminto sa tapat nila at bumaba doon ang apat na mga naka itim na lalaki.Agad nilang hinablot si Eira at isinakay sa van habang pinipilit ni Claire na pagsusuntukin ang mga lalaki.

"Bwis*t tong babaeng to ah,kung isama ka nalang kaya namin!"

At dinala silang dalawa sa isang abandonadong building.Magkabila silang nakatali sa bakal na parang pole.Habang nakatakip ang mata at bibig.
Halos isang ungol lang ang kanilang magawa.Lumuluha narin sila dahil sa takot.

*clap.clap.clap*

"Hello ladies and gentleman,llohe gentleman and ladies.Ngayon ay masasaksihan niyo ng live ang pagpatay ko sa babaeng to!"

Sabi ng babaeng si Lucille habang tumatawa at hinawakan ang mukha ni Eira.Halos magpumiglas naman si Eira dahil sa takot at galit.

"Oh?Sorry nakatakip pala ang mata mo.Tanggalin niyo na yang takip sa mouth and eyes nila!"

Utos niya sa mga tauhan niya.Ng matanggal ito ay nagulat na lamang sila sa nakita.

"Lucille!"

Galit na sigaw ni Eira.

"Impakta ka talaga!"

Sigaw ni Claire at dahil dun napalingon sa kanya si Lucille na naka evil smile pa.

"Shut up you bitch!Kung gusto mong mabuhay.Wala ka naman talagang kinalaman dito eh,kaya better zipper you f*ckin mouth!"

At napatingin ulit kay Eira.

"Hey!Hindi ko talaga matanggap na ikaw ang pipiliin ni Kyser eh,mas maganda naman ako sayo"

Sabi niya habang hinihimas ang mukha ni Eira.

"Sorry ka nalang girl kase maaga kang mamamatay eh!"

Itinutok na niya ang baril niya sa ulo ni Eira na ngayon ay maluha luha na pero ipinapakita niyang hindi siya natatakot.

"Maam Lucille,may problema po!"

Pang babasag ng isang lalaki sa eksena.

"Babalikan kita!"

At umalis na nga siya.

Breaking The BadboyWhere stories live. Discover now