Eira's POVNagising nalang ako dahil sa ingay na naririnig ko.
"Gisingin niyo nayan!"
Sigaw ni Lucille,papalapit na sana yung isang lalaki sa akin ng mapansin niyang gising na ako.
"Gising na pala eh!"
Tapos tumawa na naman siya na para bang anak siya ni Satanas!At lumapit sa akin at bigla nalang ako sinampal.
PAK!
Isang malakas at malutong na sampal ang natanggap ko sa kanya.Damn her!Kung hindi lang ako nakatali dito masasampal ko rin siya.Hindi pa nga ako nasampal ng mommy ko eh!
PAK!
Sa kabila naman!
"Youre such a demon!"
Gigil na sabi ko sa kanya habang nagpupumiglas dito.Medyo maluwag na yung tali sa kamay ko konti nalang.
"Oh thank you"
Nakangising sabi niya at bigla niya akong sinipa sa tiyan.Sh*t ang sakit!
"Bruha ka!"
Napalingon naman siya kay Claire.Ngumisi siya at kinuha ang isang kahoy sa tabi niya at unti unting lumalapit kay Claire.Kaylangan ko nang makawala dito arghhh...Kaya naman pinilit ko talagang matanggal ang pagkakatali sa akin at nagawa ko nga!Kaya bago niya mahampas ang kahoy sa ulo ni Claire ay tumakbo ako agad para saluhin ang hampas.
Plak!
It hurts!Napaluhod naman ako sa sakit.Yung likod ko
"EIRA!"
Napangiti naman ako nung narinig ko yung boses niya.
"E-el-gi-n"
Nanghihinang sambit ko.
"Hindi pa ako tapos!"
Nag aapoy na ang mata ni Lucille sa galit.
"Hindi ko man siya makuha,sisiguraduhin ko munang mamamatay ka!"
At itinayo ako at itinulak sa pader,naramdaman ko namang tumama ang ulo ko sa isang matigas na pader at ang putok ng baril.
BANG!
Dugo.
Dugong lumalabas sa tiyan ko.Madaming dugo!Di ko na kaya,nanlalabo naman ang paningin ko.
"Eira!"
Napangiti ako ng maaninag ko ang mukha niya,kahit na nanlalabo ang paningin ko malinaw na malinaw sa akin na siya si
"E-el-gin"
Hinawakan niya naman ang kamay ko.Umiiyak siya!Nasasaktan ako.
"W-wag ka ngang um-iyak"
"Eira!Wag na wag kang bibitaw ah,dadalhin kita sa ospital.Wag kang bibitaw.Tsaka papakasalan pa kita diba?Magiging Mrs.Mendez ka pa,magkaka anak pa tayo,bubuo pa tayo ng pamilya tapos sabay tayong tatanda!"
Alam ko yun!Pero parang di ko na kaya Elgin.Yung mga bagay na gagawin pa natin baka di ko na maabutan.
"Alam ko yun!Pero kung sakali man,tatandaan mo mahal na mahal kita.Ikaw lang ang mahal,minahal at mamahalin ko.Alam mo yun,ikaw lang ang nag-iisang badboy ng buhay ko"
"Eira naman wag kang ganyan!"
Umaagos na ang luha niya.
"Bes naman,babalik pa tayo sa probinsya eh!Kakain pa tayo ng mga prutas dun tapos mag dedebut ka pa!Diba yung mga 18 roses thingy!"
Unti unti ko nang pinipikit yung mga mata ko.Sana nga lang ay magising pa ako!
A/N:Naiiyak talaga ako habang sinusulat to.Waahh ang ending ay malapit na!Huhu kung di kayo nakaka relate ok lang~
YOU ARE READING
Breaking The Badboy
Teen FictionAng love hindi pinipilit, kusa mo itong mararamdaman kapag mahal mo talaga ang isang Tao. Pero paano nalang kung may isang taong pipilitin kang maging sa kanya ,kahit hindi mo gusto. Ngunit kapalit nito ang kanyang pagbabago,will you take to Break...