Eira's POV
"Dora gising!"
Bulong sa akin ng isang boses at nararamdaman ko ring may yumuyugyog sa akin.
"Maaga pa!Kita mong natutulog ang tao eh"
Sagot ko at isinubsob ang mukha ko sa kama.
"Dora gising!"
Arghh naman to si Kuya Kiel eh.Oo kahit na hindi ko idilat ang mga mata ko alam kong si Kuya Kiel ang gumigising sa akin.Magkaiba kasi silang manggising si kuya ace pasigaw si kuya kiel mahinahon lang.
"Wala namang pasok ngayon kuya eh!"
Sabi ko.
"Kahit nandito na boyfriend mo?"
Pake ko WHAT?Si Elgin nandito?Agad naman akong napabangon at luminga linga.Andito nga siya nasa tapat ng pintuan nakatingin sa akin.Uwahhh kahiya naman ako,may laway pa ata ako sa labi.Pero siya bihis na bihis na!Ang aga niya naman yata.
Napatingin naman ako sa orasan.Huwaatt?8:14 na?Akala ko 5 am pa!
"Bababa na ako ah"
Sabi ni Kuya at pumasok naman si Elgin.
"Tulog mantika!"
Panunukso niya sa akin.
"Tse!Bat ka na nandito?"
Tanong ko sa kanya.
"Mamamasyal tayo"
Sagot niya at lumabas sa kwarto.
Agad naman akong bumangon at nagmadaling maligo siguro 15 min. ang ligo ko then bihis.Nag suot lang ako ng skirt na parang short,or short na parang skirt basta ganun na color black at white loose shirt.Then a gray rubber shoes.
Paglabas namin sa bahay ay tumambad sa akin ang isang motor.Wow gandang klase mamahalin yung para bang pang racing...
Diyan ba kami sasakay?Eihh
"Halika na"
Hindi ko namalayan na naka sakay na pala siya.Agad naman akong umangkas.
"Baka mahulog ako ah"
Sabi ko.
"Kumapit ka ng mabuti sa akin"
Sabi niya at humawak naman ako sa balikat niya di ko alam kung komportable ba sa kanya na dito ako kumapit.
At pinaandar na niya ang motor.
Habang naglilibot ay di ko maiwasang mapapikit ang sarap sa pakiramdam ang hangin...ng bigla nalang akong napasubsob sa likod niya bigla nalang kasi siyang huminto.Sakit sa ulo ah!"Ayos ka lang?"
Tanong niya.
"Medyo"
Sagot ko.Bat ba kasi siya huminto ng biglaan?
"Arghhh ang isang yun alam niyang may nakasunod hihinto hinto sa gitna ng daan,mabigyan nga ng leksyon."
Sabi niya at akmang bababa at susugudin yung driver ng kotse.
"Wag na Elgin hayaan mo na alis na tayo ang saya pa namang sumakay dito"
Lumiwanag naman ang mukha niya at pinaandar ulit ang motor.
A/N:Ang panget ata ng ud ko ngayon!→_→
Eto muna guys.
Here's your request!Hope you like it >o<Hehe
YOU ARE READING
Breaking The Badboy
Teen FictionAng love hindi pinipilit, kusa mo itong mararamdaman kapag mahal mo talaga ang isang Tao. Pero paano nalang kung may isang taong pipilitin kang maging sa kanya ,kahit hindi mo gusto. Ngunit kapalit nito ang kanyang pagbabago,will you take to Break...