ONE FINE DAY Part 1
Sam's POV
Maaga akong nagising at nag ayos.Walang pasok ngayon at may date kami ni Kyser.^_^
"Kyahhhhh"
Sa sobrang kilig ko ay napa sigaw na pala ako.
Bigla namang may kumatok sa pintuan ko.Kaya agad ko namang binuksan.Bumungad naman sa akin si Mommy.
"Oh baby,anong problema?"
"Ah wala naman po"
"Bat ka ba sumigaw?At tsaka your blushing"
Sabi ni Mommy,habang nakangisi.
"Eihhh mag dadate po kami ni Kyser"
Nahihiyang sabi ko.
"Dalaga na talaga ang baby ko,o sha bababa na ako,tsaka mag ayos ka na"
Tumango naman ako.At nag ayos na.
Bihis.Tingin sa salamin.Bihis.Tingin ulit sa salamin.Huhu ano ba talagang susuotin ko.Siguro mag dress nalang ako.Napili ko naman yung sky blue na dress tapos white flat shoes.
Natapos na yung problema ko sa damit ngayon naman sa buhok.Di ko alam kung ilulugay,braid o ponytail ba!Huhu ~T_T~
Pero mas ok na siguro kong ilulugay ko tapos lalagyan ng clip.Pagkatapos ay naglagay lang ako ng polbo at lip gloss.At yung sling bag ko.
"Sam!!!Bumaba kana nandito na boyfriend mo!"
Sigaw ni kuya kiel.
"Opo bababa na!"
Kyser's POV
Maaga palang ay naka pag ayos na ako,susunduin ko pa si Sam.Pagdating ko sa bahay nila ay nag doorbell na muna ako,alangan namang bigla bigla akong pumasok.Pinagbuksan naman ako ng isa sa mga maid nila.
"Pasok ka po Sir"
"Sige po"
Pagdating ko sa sala nila ay saktong nandun ang mommy at daddy niya pati yung mga kuya niya.
"Good Morning po"
Bati ko.
"Good Morning din Ijo"
Bati rin ni Tita Shaira.
"Uhm si Sam po?"
"Sam!!!Bumaba kana nandito na boyfriend mo"
Sigaw naman ni Kuya Kiel(fc much?)
"Opo bababa na"
Sagot naman ni Sam.
"Upo ka muna iho"
Sabi naman ni Tito Luke.Medyo close kami ng daddy ni Sam kasi nung mga nakaraang araw nandito ako.Tsaka magkasundo kami ni Tito sa paglalaro ng Chess.
Habang nagkukwentuhan kami sandali ay napansin kong pababa na si Sam.At pagkakita ko sa kanya,parang anghel!!!
Ang ganda niya talaga...Bagay sa kanya yung suot niya.
Nilapitan ko naman siya.
"Yeppeunda"(Ang ganda mo)
Sabi ko sa kanya.
"Alien"
Sabihan ba naman akong alien.Hindi niya lang alam kung anong meaning nun!
"Ang sabi ko ang ganda mo"
Bigla naman siyang nagblush.
"O sha,mag date na kayo"
Sabi naman ni Tita Shaira.
"Hehe sige po"
Kaya naman ay umalis na kami.
ABANGAN ANG NEXT!^_^
YOU ARE READING
Breaking The Badboy
Teen FictionAng love hindi pinipilit, kusa mo itong mararamdaman kapag mahal mo talaga ang isang Tao. Pero paano nalang kung may isang taong pipilitin kang maging sa kanya ,kahit hindi mo gusto. Ngunit kapalit nito ang kanyang pagbabago,will you take to Break...