OMG
Sam's POV
Weihhh hindi pa ako maka move on.Aaminin ko kinilig ako kanina sa sinabi niya.
Kaya naman umiiwas na muna ako sa kanya.
"Ija halika muna"
Lumapit naman ako kay Tita Kyrie.Diba ang bait sa akin ng mama niya.
"Ano po yun tita?"
Tsaka naman ipinakita niya sa akin ang isang photo album.At tumatawa pa siya.
"Maa!"
Bigla nalang sumigaw si Kyser.
"Ano ka ba,umakyat ka nga doon,mag gi girls talk kami Tsupee"
Tinataboy siya ni Tita.Ako naman hindi na nakapigil ng tawa.Kaya wala na siyang nagawa at umakyat.
"Oh Sam may ipapakita ako sayo,siguradong matatawa ka dito"
Kaya naman na excite ako dun.At binuklat niya na nga ang album.May picture ng isang cute na batang lalaki.Umiiyak •﹏•
"Si Kyser yan,2 years palang siya dyan.Umiiyak siya kasi hindi niya napanalunan yung teddy bear na gusto niya sa isang laro"
Bwahaha...Iyakin..
Tsaka nag kwento naman si Tita tungkol kay Kyser noong bata pa siya.
"Alam mo gusto gusto kita para sa anak ko,simula nung makilala ka niya nagbago siya.Hindi na siya masyadong nakikipag away tsaka ngumingiti na siya parati.Binago mo siya,tsaka ikaw lang ang babaeng dinala niya dito tsaka ikaw lang ang bukambibig niya,mabait siyang bata kaya sana bigyan mo siya ng pagkakataon na mahalin ka.Ayokong bumalik siya sa dati niyang gawi"
"Alam ko po Tita,wag kayong mag alala hindi po ako gagawa ng desisyon na pag sisisihan ko"
"Sige tawagin mo muna si Kyser para matikman niyo na yung niluto kong cake"
"Sige po"
Kaya naman tinawag ko na si Kyser,kaso hindi parin lumalabas sa kwarto niya.Kaya naman umakyat na ako at kumatok sa kwarto niya.Kaso mukhang nilamon na siya ng kwarto niya kaya binuksan ko nalang pero wala siya.
San kaya yun?
"Kyser?"
Bigla nalang bumukas ang pintuan ng cr at lumabas siya ng naka shorts lang tapos pinapahid ng towel yung ulo niya.At pakshet kita abs niya OMG. O_o..Ako nalang sana lamunin ng lupa.
"Oy matunaw ako niyan!"
"Baba na daw"
Sabi ko sabay talikod.
"Ok?"
Bat kasi argggghhhh...
"Una na ako"
Hakbang.Hakbang.Hakbang.
"Haha"
Ano na namang tinatawa tawa niya?Bahala siya.
................................ .... ....... ...............
YOU ARE READING
Breaking The Badboy
Teen FictionAng love hindi pinipilit, kusa mo itong mararamdaman kapag mahal mo talaga ang isang Tao. Pero paano nalang kung may isang taong pipilitin kang maging sa kanya ,kahit hindi mo gusto. Ngunit kapalit nito ang kanyang pagbabago,will you take to Break...