Love Letter💌
Maaga akong nagising dahil sa excitement kasi nga may pupuntahan kami ni Daddy.
Pagbaba ko ay naka ready na rin si Daddy kami lang daw dalawa ang aalis hehe.Naka suot ako ng black jeans at white t shirt.At umalis na kami
"Let's go baby"
Kaya naman ay umalis na kami ni Daddy.Habang nasa byahe kami ay nagkukwentuhan lang kami ni Daddy.
"Daddy saan po ba tayo pupunta?"
Parang ang tagal naman kasi naming dumating sa pupuntahan namin.
"Basta baby"
Inaantok na ako eh.Nahalata yata ni Daddy.
"Matulog ka muna baby,gigisingin nalang kita kapag dumating na tayo"
"Sige po"
Kaya naman isinandal ko ang ulo ko sa bintana.
Maya maya ay may naramdaman akong may yumuyogyog sa akin.
Pagdilat ng mata ko si Daddy pala tumatawa pa nga siya.
"Bat ka po tumatawa Dad?"
"Hindi ka parin nagbabago baby tulog mantika ka parin"
Natawa nalang ako.Tsaka bumaba na kami sa kotse.Pagbaba namin nakita ko sa tapat ang isang napakagandang bahay.WOW
"Daddy ano pong ginagawa natin dito?"
Baka may party tsaka invited kami.
"Maganda ba ang bahay baby?"
Tanong naman niya sa akin.
"Super, Daddy"
Bakit naman niya tinanong?
"Good,surprise baby.This house is my gift for you"
Talaga?0•O
"Sakin?"
"Yes,nagustuhan mo?"
"Super!"
Ganda talaga.
"Daddy pwede ba tayong pumasok?"
"Of course"
Pagpasok namin namangha nalang ako.Blue,violet,black and white yung motiff.My favorite colors.Basta maganda yung kabuuan ng bahay.Gusto ko ng tumira dito..
"Daebak!"
(Daebak means awesome in korean)
Pagkatapos naming libutin ang bahay.Ay umuwi na kami ni Daddy.Hindi pa daw ako titira don kasi don daw muna sa bahay kapag nag 20 nadaw ako.
Pagdating namin sa bahay ay sakto namang nagbabake si mommy ng cake.
Pagkatapos ay umakyat na ako sa kwarto at natulog...
Kinabukasan...
Nandito kaming dalawa ni Claire sa canteen kumakain ng chocolate cake.Tapos nag kukwentuhan.
Bigla nalang natulala tong kaharap kong si Claire.
Bigla nalang umupo sa tabi ko si Kyser tsaka sa tabi ni Claire si ken at Marky.
"Oy Sam ano yan?"
Magtatanong na naman yan.Imbestigador yang babaitang yan eh!
"Hi Sam."
Nakangiting bati sa akin ni Kyser.Nginitian ko lang siya pabalik.
"Totoo ba to?Si Kyser the badboy ngumiti?"
Kalog talaga tong babaeng to.
"Umaandar na naman yang little brain mo Claire"
"Haha,hayaan mo na ako bes,mauna na pala ako babush"
At umalis na siya.
Naiwan naman kaming apat.Maya maya ay tumunog na yung bell.Kaya naman ay nagmadali na akong umalis.
Pagkatapos ng klase namin ay dumiretso naman ako sa locker room para kunin yung ibang gamit ko.
Pagbukas ko ng locker ay kinuha ko na ang dapat kung kunin pero pagsara ko ng locker ay may nalaglag.Pinulot ko naman ito at isang
Letter....
Another Update ^_^
Vote and Comment👇
YOU ARE READING
Breaking The Badboy
Teen FictionAng love hindi pinipilit, kusa mo itong mararamdaman kapag mahal mo talaga ang isang Tao. Pero paano nalang kung may isang taong pipilitin kang maging sa kanya ,kahit hindi mo gusto. Ngunit kapalit nito ang kanyang pagbabago,will you take to Break...