Chapter 33

190 7 2
                                    

Elgin and Eira

  3rd Person's POV

Nasa gymnasium ngayon si Kyser at Sam.Kasama narin si Claire,Ken at Marky.Nagkukwentuhan lang naman ang magkakaibigan doon.Maya maya ay magsisimula na ang practice nila Kyser.Bago umalis ang binata ay lumapit siya sa kanyang girlfriend at mabilis na ninakawan ng halik ang dalaga sa pisngi...Bigla namang namula ang dalaga at sinabayan naman ng panunukso ng mga kaibigan...

Nagsimula na ang practice.Una ay ang pagpapakilala,sunod ang production number,talent...

Habang nasa kalagitnaan sila ng pagsasayaw ay bigla nalang natapilok si Lucille at napa upo sa sakit.Ngunit halata namang nag-iinarte lang ito.Kaya agad namang napahinto ang mga nag-eensayo.

Napatingin rin ang mga nanunuod lalo na sina Sam.

Habang si Lucille ay umaarteng nasasaktan tinatawag niya si Kyser pero tinitingnan lang siya ng binata.Kaya naman ay isinigaw niya ng malakas ang pangalan ng binata para mapansin.

"KYSERRR!!"

Halos dinig sa buong gymnasium ang nakakabinging boses ng dalaga.Kaya naman ay tinititigan na siya ng masama ngayon ni Kyser.

"Ano?"

Pamatay malisyang tanong ni Kyser kay Lucille...

"Buhatin mo ako!"

Pagmamaktol ng dalaga.

"Girlfriend ba kita?"

Tanong ng binata.

"Arghh"

Napasigaw nalang sa inis ang dalaga...Hindi umepekto ang plano niya.Sinadya niyang matapilok para magpapansin kay Kyser dahil gigil na gigil siya sa tinginan ng magkasintahan habang nag papractice.

"Kyser please buhatin mo muna papunta sa clinic atleast ikaw naman ang partner niya"

Sabi ng trainor na agad na ikinatuwa ni Lucille,at ikinainis ni Kyser.Napa evil smile pa si Lucille pero ng itinuon ni Kyser ang paningin sa kanya ay nagsasakit sakitan naman siya tsk.pang best actress talaga ang acting ko naisabi ng dalaga sa sarili niya habang buhat buhat na siya ngayon ni Kyser papunta sa clinic.

Habang nakatanaw lang sina Sam sa kanila,hindi niya maiwasang hindi masaktan.Alam niyang mahal siya ng binata pero hindi niya alam kung gaano ka desperada si Lucille para lang maagaw si Kyser.

"Impakta talaga yun,halata namang nag iinarte lang yun"

Halos gigil na sabi ni Claire.

"Wag ka ngang over babae ka,parang ikaw yung mas affected ah!"

Sabat ni Ken kay Claire.Para talaga silang aso't pusa.

"Pake mo ba!Nakakainis naman talaga yung babaeng yun eh sarap sabunutan arghhh."

"Tsk!"

Tipid na sagot ni Ken.Habang si Marky ayun kumakain lang ng burger...

Sam's POV

Kasalukuyan kaming nakasakay sa kotse ni Kyser.Sabi niya kasi ihahatid niya ako.Hindi ako umiimik kasi napagod ata ako sa long quiz namin sa Science...

"Galit ka ba?"

Parang natauhan naman ako sa tanong niya.

"Hindi naman,tampo lang?"

Da pak!Anong sabi ko?

"Bat naman?"

"Ehh yung babaeng yun naiinis ako kasi halos isigaw na niya yung pangalan mo sa buong mundo arghh"

Napatawa naman siya sa sinabi ko.Anong nakakatawa?

"Haha sige.Total halos Kyser naman ang tawag sa akin ng iba,from now on Elgin na ang itatawag mo sa akin at ako lang tatawag sayo ng Eira!Ok?"

Kinilig naman ang lola niyong lokaret...

"Ok"

Pagdating namin ay agad naman akong bumaba.At nagpaalam sa kanya...

A/N:Ok ba ud ko?Hehe

Vote.Comment.Follow.

Breaking The BadboyWhere stories live. Discover now