Here We Begin.1
(A/N:Bibigyan ko po muna ng moment ang ibang character ahh)
Ken's POV
Semestral Break and as usual magiging boring at malungkot na naman ang mga araw ko.Atleast sa school may nakaka-usap ako at may mga kaibigan akong kaya akong intindihin.
Dito sa bahay,wala akong maka usap.Si Daddy halos doon na tumira sa office niya.Parating busy sa trabaho.Yung mommy ko,ayun nasa ibang bansa kasama yung dalawa kong nakababatang kapatid mas pinili niya yung career niya.Isa siyang sikat na fashion designer.Almost 3 years na nung huli kaming nagkita,kami nalang ni Daddy ang naiwan dito pero feel ko naman ako lang mag-isa.
Hindi narin magkaayos si mommy at daddy bago kasi umalis si mommy ay nag-away sila ni Daddy.Kase ayaw naman talaga ni Daddy na lumayo pa si Mommy.Simula nun halos igugol na ni Daddy ang oras niya sa trabaho.
Simula nun ay parang naging bitter na ata ako,hindi lahat ng relasyon ay masaya hindi lahat ng relasyon ay nagtatapos ng masaya.
Sila Kyser at Marky nalang ang parati kong kasama at kausap para ko narin silang mga kapatid at masaya ako para kay Kyser dahil sila na ni Sam.
Hindi ako bitter sa loveteam nila este lovelife...Ngayon nandito ako sa mall.Naisipan ko lang bumili ng bagong gitara.
Nasa parking lot na ako at akmang bubuksan ko na yung pintuan ng sasakyan ko ng may narinig akong sigaw.
"Wahhhh HELP ME!!!"
Sigaw ng isang boses babae.Agad naman akong pumunta kung saan nanggagaling yung sigaw.
At nakita ko ang isang babae na hawak ng 2 lalaki at yung isa naman ay may pilit na kinukuha sa kanya.Nakatalikod ang babae sa akin kaya di ko makita.
Naawa naman ako kaya siguro tutulungan ko siya.
"Hoy!Bitiwan niyo siya!"
Sigaw ko sa mga lalakeng yun.
Napalingon naman sila sa banda ko pati na rin yung babae.....Si ......Claire
A/N:Oh ud ulit....Haha....
👍Vote. Kung like niyo story ko.
💬Comment.Kung may mga hinaing kayo
ⓕⓞⓛⓛⓞⓦ kung gusto niyo >_<
YOU ARE READING
Breaking The Badboy
Teen FictionAng love hindi pinipilit, kusa mo itong mararamdaman kapag mahal mo talaga ang isang Tao. Pero paano nalang kung may isang taong pipilitin kang maging sa kanya ,kahit hindi mo gusto. Ngunit kapalit nito ang kanyang pagbabago,will you take to Break...