Naka upo lang ako ngayon sa sala.Its already 5:00 in the morning.
Unusual naman talaga kapag ganito kaaga akong nagigising.Pero dahil ayaw kong maiwan,heto ready na!
Friday ngayon at bukas pa birthday ni Claire pero kailangan ngayon na daw kami umalis sabi ni Claire kase medyo malayo at para daw makapag pahinga.
Pagkalipas ng ilang minuto ay narinig kong may humintong sasakyan sa labas ng bahay.
Nandito na siguro sila.
Pumasok naman sila Ken,Marky at Elgin malabs...
Ang lande ko na!
"Good Morning Eira Noona"
Ang sweet talaga ng isang to!Kinikilig tuloy ako.
"Good Morning too Elgin Oppa"
"Ang dami niyong alam dalawa ah tara na!"
Ang kj talaga netong si Ken.Naiinggit lang yan eh...
Lumabas na kami sa bahay,dala dala ni Elgin ang gamit ko.Nasa loob pala ng sasakyan sila Claire at Ara.Magkakatabi kaming mga babae sa likurang bahagi ng sasakyan tapos sa unahan namin ang mga boys.May nagdadrive naman kaya chillax lang talaga kami habang nasa byahe.Tingin tingin sa labas ng bintana...
"Oy Marky nagugutom ako"
Kumunot naman ang noo ni Marky.Haha
"Nag almusal kaba?"
"Oo naman"
"Ilang libong bulate,dragon o halimaw man yang nasa tiyan mo?"
"Bigyan mo nalang ako!"
Pagmamaktol ni Ara.Binigyan naman siya ni Marky ng sandwich.Ang sweet nila~
Nag alok naman si Ara pero umayaw lang kami ni Claire.Busog pa naman din ako.
Nag time check naman ako.6:56 na.
Naka ramdam naman ako ng antok kaya napasandal na ako sa balikat ni Claire.Nasa gitna kase namin siya ni Ara.
Nagising naman ako ng makarinig ako ng ingay...Kaso parang nag iba yata tong sinasandalan ko sa pag kakaalam ko hindi naman masyadong mataas si Claire.
Minulat ko naman ang dalawang mata ko at tama nga hindi na si Claire ang sinasandalan ko.
"Oh nagising ka ba sa ingay nila?"
Tumango nalang ako,maingay naman talaga sila.
'Malapit na tayo'-Claire
'Kanina ka pa nag sasabing malapit na tayo'- Ken
'BASTA MALAPIT NA DAW DIBA?'-Ara
'Easy ka lang Ara wag ka ngang over ah chillax lang'-Marky
Oh diba ang iingay...
"Bakit ikaw na yung sinasandalan ko?"
Tanong ko
"Eh bumaba kase si Claire kanina"
"Ahh"
"Gusto mo matulog ulit?"
"Wag na"
Sagot ko naman.Pero sumandal ako ulit sa kanya.
Gustong gusto ko talaga ang presensiya niya.Komportable ako kapag nandito siya.Sa kanya lang din tumitibok ng sobra ang puso ko...Yung para bang sasabog na?
Dugdugdug.Dugdugdug.Dugdugdug.
Sana ganito nalang parati yung magkasama kaming masaya...
Naramdaman ko namang hinihimas himas niya ang buhok ko.
"I love you My Eira"
Pabulong niyang sabi.
"I love you too My Elgin"
'GUYS NANDITO NA TAYO!OI LOVEBIRDS DIYAN TARA NA!'
Sigaw ni Ken.Nandito na pala kami....
YOU ARE READING
Breaking The Badboy
Teen FictionAng love hindi pinipilit, kusa mo itong mararamdaman kapag mahal mo talaga ang isang Tao. Pero paano nalang kung may isang taong pipilitin kang maging sa kanya ,kahit hindi mo gusto. Ngunit kapalit nito ang kanyang pagbabago,will you take to Break...