Chapter 60

127 5 0
                                    

      Elgin's POV

Ng makarating kami sa isang abandonadong building agad kaming kumilos ni Marky at Ken.Dahan dahan kaming pumasok sa loob,ang malaking katanungan sa isip ko ngayon.

Sino ang nasa likod nito?

"Kyser mukhang dito banda"

At itinuro ang isang kwarto,nakabukas ang pinto nito at may ilaw sa loob.May 2 lalaking nakabantay sa labas.Lumapit kami doon at pinukpok ang ulo nila and then tulog.

Pagpasok namin isang eksenang hindi ko gugustuhing makita ang nangyayari sa ngayon.Sinalo ni Eira ang hampas na tatama kay Claire.Isang malakas na hampas sa likod niya.Sh*t napaluhod na siya sa sakit.

"EIRA!"

Sigaw ko,napalingon naman dito ang babaeng humampas sa kanya.Si Lucille,wh-hy?

"E-el-gin"

Mahinang sambit ni Eira,lalapit na sana ako ng....

"Hindi pa ako tapos!Hindi ko man siya makuha,sisiguraduhin ko namang mamamatay ka!"

Umaapoy sa galit ang mga mata niya.Itinayo niya si Eira at itinulak sa pader at

BANG!

"Eira!"

Nang lapitan ko siya nakangiti pa siya.Di ba niya inda ang tama ng baril?.Dumadaloy na ang maraming dugo mula sa tiyan niya.Napaiyak nalang akong nakikita siyang ganito.I hate myself kung maaga lang sana akong dumating,kung naipagtanggol ko lang sana siya,kung naprotektahan ko lang sana siya-

Kinuha naman nang mga pulis si Lucille.Dinala naman si Eira sa ospital,hindi naman nasaktan si Claire kase si Eira lang daw talaga ang pakay ni Lucille...

"Its my fault!"

Sabay suntok ko sa pader.Hindi ko na ininda ang sakit,namamanhid na yata ang kamay ko.Ang mas inaalala ko ngayon si Eira na nasa ER.Madaming dugo ang nawala sa kanya.

"Kyser,hindi mo yan kasalanan"

Comfort sa akin ni Claire.Why?Why is this happening,kung ako nalang sana.Kung ako nalang-

"Iho,si Sam?"

Nag aalalang tanong ni Tita.I dont know what to say.Tanging iyak nalang ang nagawa ko at napaluhod.

"Tita,nasa ER po si Sam.Natamaan po siya ng bala!"

Naiiyak ring sagot ni Claire.Halos mahimatay na si Tita sa narinig niya.

Arghhh.....

Ng biglang lumabas ang doctor sa room.

"Sino pong kamag anak ng pasyente?Malubha po siya ngayon,maraming dugo ang nawala sa kanya at kaylangan niyang masalinan kaagad ng dugo kung hindi baka po hindi kayanin ng pasyente"

Agad akong nanlumo.Malubha siya ngayon.

"Ano pong type ng dugo niya?"

Tanong ni Ara.

"B"

F*ck.Im Type A.And no one sa amin ang type B ang dugo maliban sa mommy niya pero hindi pwedeng kunan ng dugo si tita kase anemic siya.

"Ako type B"

Napalingon kaming lahat sa nagsalita.Anong ginagawa niya dito?Dapat nasa kulungan yan!

"Mag bibigay ako ng dugo,and Im sorry sa nagawa ko sorry"

"ANONG MAGAGAWA NG SORRY MO GAGA!ALAM MO BA NA HALOS MAUBUSAN NA NG DUGO ANG KAIBIGAN KO TAPOS NGAYON MAG SOSORRY SORRY KA!SANA NAISIP MO ANG MAAARING MAGING RESULTA BAGO MO YUN GINAWA GINAMIT MO SANA YANG KOKOTE MO! ,OH ANO NATAUHAN KA NAKOKONSENSYA KA?"- claire.

Natahimik nalang kami sa sermon ni Claire kay Lucille.Pasalamat siya at nagtitimpi pa ako ngayon.

"Oh miss?Tara na,para masalinan na ng dugo ang pasyente.Willing ka naman diba?'

Tumango naman siya at sumunod sa doctor kasunod niya yung mga pulis na nakabantay sa kanya.

Kahit papano,may pag asa pa.Sana nga lang magising ka na Eira...



Breaking The BadboyWhere stories live. Discover now