1 - Separate World

167 6 0
                                    




Ingay!

Usok!

Alak!

Tugtugan!

Yan ang buhay ni John Martin for almost 2 years.

John Martin Yap, JM para sa mga malapit na tao sa kanya at Sir. Y para sa mga empleyado, guest at kliyente nito. He owns the Comfort Zone Luxury Club, isa sa kilalang highend bar sa Taguig. Sa edad na 28, nagpursige sya nakapagpatayo ng isang lugar kung saan pwedeng makalimot ng problema, magenjoy at icomfort ang mga taong sawi sa pag-ibig. Lugar kung saan sya mismo ay minsan sa buhay nya ay nangailangan ng ganitong mapupuntahan.

"Hey! JM, Bro! Anong tinutunganga mo dyan, bakit hindi ka bumaba and have some fun!" bungad ni Leo kay JM

"Hindi na, OK na yung nakikita ko dito sa taas ang nangyayari sa baba" sagot ni JM habang nakatingin sa glass wall ng opisina nya. "Ikaw ano bang ginagawa mo dito? " saka ito humithit ng sigarilyo na nakaipit sa daliri nya

"Wala lang, wala kase akong makitang prospect sa baba. Wala yung mga tipo natin babae" sagot ni Leo saka humiga sa sofa

"Excuse Me! Iba ang tipo mo sa babae sa tipo ko,Bro! Ayoko ng tipo mo no! Ang hinahanap mo kase yung pang kama lang,tsk! Not my type!" sagot ni JM

"Ay! Oo nga pala, ang mga tipo mo eh, yung pang bahay. Yung matangkad, chinita, maputi at higit sa lahat yung matalino. May kilala ako nun eh, ano nga bang name? Umh! Ashley Cass......" hindi na natapos ni Leo ang sasabihin nya dahil binato na sya ni JM ng kaha ng sigarilyo "Aray!"

"Yang bibig mo ah! Minsan hindi maganda yung lumalabas" sagot ni JM saka tumalikod kay Leo at umupo sa swivel chair nya.

"Ang init naman ng ulo mo!" Sagot ni Leo habang papalapit sa lamesa ni JM "By the way, anong balita na kaya sa kanya? Nasa Pinas ba sya? May boyfriend na kaya sya? O baka asawa?" Pangaasar ni Leo

Masamang tiningnan ni JM ang kaharap na kaibigan "Ikaw ba hindi titigil? Gusto mong ipaban kita dito sa Bar ko? At kung ano anong tinatanong mo, hindi ako interesado at wala akong pakialam sa tinutukoy mo" malakas na sagot ni JM

"Ang HB mo,Bro. Anyways, bababa muna ako at maghahanap ng pwedeng iregalo ko sayo" saka tumayo si Leo at kinindatan si JM "Ciao! Y! " saka ito lumabas sa opisina ni JM

Naiwang iiling iling si JM. Wala prin kaseng ipinagbago si Leo, makulit parin mula ng College sila. Magkaibigan sila magmula noong 1st year College sila sa kursong Business Management. Si Leo ang nakawitness ng mga pinagdaanan nya bago marating kung ano man ang meron si JM at kung anong wala sa kanya ngayon.

Kinuha ni JM ang isang maliit na kahon na nasa ibabaw ng table nya. Championship ring nya yun sa Basketball noong College sya. Ibinigay nya yun kay Ashley noong nanalo sila kase sya ang naging inspirasyon nito.

===============
"Congratulations,Babe" salubong na yakap ni Ashley kay JM right after ng awarding.

"Thanks,Babe!.. Babe, this is for you!" Sabay tanggal ng Championship Ring sa daliri nya at iniabot sa kamay ni Ashley.

"Ha? Ano ka ba Babe, pinaghirapan mo to, sayo to!"

Umiling si JM "No! Babe, hindi ko naman makukuha yan kung hindi dahil sayo. Ikaw ang dahilan kung bakit ginalingan ko. Gusto kong maging proud ka sakin!"

OUR PERFECT TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon