34 - Night to Remember

16 3 0
                                    

Dali daling lumabas ng kwarto si Ashley dahil ayaw nyang maghintay sa kanya si Tristan. Pero natigilan sya ng may tumawag na staff sa kanya.

"Ms. Cruz? Mr. Tolentino is waiting upstairs" sabi ng staff

"Sa taas?" Paninigurado ni Ashley bago umakyat sa hagdanan

Dahan dahan ang paghakbang ni Ashley sa bawat baytang ng hagdanan, napakunot ang noo nya dahil parang walang ilaw. Kinuha nya ang cellphone nya at idadial ang number ni Tristan ng may marinig syang music na nagplay. A Violin! Saka sinundan ng dahan dahan na pagbubukas ng ilang dim light. Napatakip si Ashley ng bibig ng ilibot nya ang tingin. Nagkalat ang rose petals sa sahig at nasa gitna ang table set up. Sumilay ang ngiti ni Ashley ng makita nya si Tristan na papalapit sa kinatatayuan nya.

"Hi! My Cassandra! For you!" Nakangiting bati ni Tristan saka iniabot ang kumpol ng bulaklak

"Thanks!" Saka tinanggap ang bulaklak ni Ashley "Tristan, what's this?" Natatawang sabi ni Ashley na halatang naguguluhan

"A dinner! Magdidinner tayo!"

"Dito?"

"Hindi mo ba nagustuhan? Pwede kong papalitan ng set up? You want a under the sea set up? A Jungle? Or a Walking Dead set up?" Pabiro nitong tanong

Hinampas ni Ashley si Tristan sa braso "Loko ka talaga, I like it naman! Nagulat lang ako, sabi mo kase magdidinner lang tayo sa resto" pagmamaktol ni Ashley

"Magdidinner nga tayo!" Natatawang sagot ni Tristan "Alam mo, halika na. Nakaready na yung food natin" saka nito inakay si Ashley papunta sa nakaset up na table for two.

After nilang kumain, nagoffer si Tristan ng wine for them "But dont to much, magdadrive ka pa" paalala ni Ashley

"I know, dont worry. Maayos kitang ihahatid sa mga kaibigan mo!" Nakangiting sabi ni Tristan habang sinasalinan nya ng wine si Ashley "Cheers?" Sabi ni Tristan habang nakaangat ang baso nya

Itinaas din ni Ashley ang baso at itinama ng bahagya sa baso ni Tristan saka sila uminom. "Ang ganda pala lalo dito pag gabi, ang peaceful!" Sabi ni Ashley

"Yah! Magmula kaninang pagdating natin dito, pakiramdam ko lahat ng problema, at stress ko ay nawala. By the way, would you mind if I ask you to dance?" Sabi ni Tristan saka ito tumayo at inilahad ang kamay kay Ashley

"My pleasure, Mr. Tolentino!" Nakangiting sabi ni Ashley saka inilagay ang kamay sa nakalahad na kamay ni Tristan. Saka bigla nagbago ang tugtog ng violin, naging Beautiful in my Eyes

Hindi inalis ni Tristan ang tingin kay Ashley. "You'll always be beautiful in my Eyes!" Pagsabay nito sa tune ng violin

Ngumiti ni Ashley at inihilig ang ulo sa dibdib ni Tristan. "Thank you for this day, Tristan"

Iniharap ni Tristan si Ashley at tumigil sila sa pagsasayaw. "Im not sure if it is the right time, but Cassandra as days pass by, mas lalo kitang minamahal, mas lalo kang nagiging importante sa akin, mas lalo akong natatakot na baka any moment bigla ka nalang mawala sa buhay ko. Hindi ko man malimit sabihin, or may mga shortcoming ako pagdating sa pagpaparamdam ko sayo how much I love You, pero here in my heart gustong gusto kong ipagsigawan kung gaano kita kamahal. Hindi man ganun kahaba ang panahon natin magmula ng magkakilala tayo, pero gusto kong kuhanin yung chance na makilala ka, iparamdam sayo kung gaano ka kaimportante sa akin, at kung gaano kita kamahal. My Cassandra, I love You so much! I want you to ask this question, for quite a long time na, pero natatakot ako sa pwede mong isagot. But now Im here, in front of you, naglalakas ng loob, dahil to tell you honestly, hindi ko din alam kung may karapatan akong itanong sayo to, because I still don't know what you feels for me. Cassandra, will you be my Girlfriend?" Titig na titig na tanong ni Tristan

OUR PERFECT TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon