8 - Taking the Risk

35 3 0
                                    


"May gusto ka bang balikanan, na naiwanan?..."

Hindi alam ni Ashley kung anong meron sa tanong ni Matt at hindi agad sya nakasagot. Pakiramdam kase nya double meaning ang tanong ng nobyo. "Ha? What do you mean na naiwanan?" Nauutal na tanong ni Ashley

"Yung pagtingin mo kase sa side mirror, parang gusto mong bumaba at bumalik dun. Kaya akala ko may naiwanan ka, na gusto mong balikan!" Seryosong sagot ni Matt

"Ah! Wala,Hon. Sorry." Yun lang ang naisagot ni Ashley. Hindi maintindihan ni Ashley kung bakit feeling nya ay may kasalanan sya kay Matt. Naguguilty kase sya sa mga naramdaman nya kanina sa twing nakikita nya si JM at Dina. Hindi nya dapat maramdaman yun, mahal nya si Matt at masaya sya para kay JM dahil kahit papaano ay nagiging masaya na talaga sya sa piling ni Dina.

Nang makarating sila sa bahay nila ay agad silang dumeretso sa kwarto para makapagpahinga. Hindi parin mawala sa isip ni Ashley ang image nina Dina at JM na masaya. Hindi nya maintindihan ang nararamdaman nya kay JM. Alam nya sa sarili nya na mahal nya si Matt pero bakit ngayon ay naguguluhan na sya.

Maagang gumising si Ashley kinaumagahan, sya mismo ang naghanda ng breakfast ni Matt. Nang magising si Matt ay agad itong bumaba sa dining area at sinalubong ng nobya.

"Goodmorning, handsome!" Bati ni Ashley sabay halik kay Matt

"Ang aga mo atang nagising. Anong oras ba ng meeting mo?" Tanong ni Matt habang naupo na

"Baka 10 nalang ako pumunta doon sa CZLC, have your breakfast na baka malate ka pa" saka inasikaso ni Ashley si Matt

"Honey, give me a call once you're done with your meeting. Siguro naman hindi ka aabutin ng gabi dun?"

"Yah! Ofcourse! Gusto mo daanan kita sa office mo?" Tanong ni Ashley

"Sure! That's a good idea! Then we'll have dinner outside. You want that?" Nakangiting tanong ni Matt

"Ofcourse,Honey!" Nakangiting sagot ni Ashley

"Hihintayin kita sa office ah!" Paninigurado ni Matt

Tumango lang si Ashley.

Around 9:30 ay nakarating na si Ashley sa CZLC, agad syang dumeretso sa office Mark. To her surprise pagbukas nya ng pinto ay naabutan nyang naghahalikan si JM at Dina. Napapikit nalang sya at napayuko saka dahan dahang tumalikod para hindi sya mapansin ng dalawa. Pero huli na pala, naistorbo na nya ang dalawa sa ginawa at nakita na sya ni Dina.

"Ms.AC!" Boses ni Dina

Hindi agad sya nakagalaw at hindi sya makaharap sa dalawa. "Im sorry, I forgot to knock." Sabi nito habang nakatalikod parin

Napayuko nalang si JM at bahagyang lumayo kay Dina. "That's fine! Come in" yaya ni Dina sa kanya

Hindi parin makaharap si Ashley. Buti nalang ay dumating na si Mark. "Hi! Goodmorning AC."bati ni Mark kay Ashley "Let's get in, so makapagstart na din tayo!" Yaya sa kanya ni Mark

Naunang maglakad si Mark at sinundan nalang nito. Nakaupo silang apat sa isang mahabang table. Hindi parin makatingin si Ashley kay Dina at JM.Habang si JM ay naghihintay na tumingin sa kanya si Ashley. Pakiramdam kase ni JM ay may nagawa syang mali.

OUR PERFECT TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon