Agad sinundan ni Tristan si JM sa opisina nito pagkatapos na pagkatapos ng meeting nila"So,anong plano mo ngayon? Ganan ka na ba kadesperado na masaktan at mahirapan si Cassandra?" galit na sabi ni Tristan
Tumawa ng nakakapikon si JM "Oh! My dear brother, ganan na ba kasama ang tingin mo talaga sa akin? Im doing this para sa kumpanya, alam ko na kahit papaano ay makakatulong ang babae mo, na dating babae ko!" napanagasar nitong sagot
"How dare you to call her that way!" sigaw ni Tristan saka sinuntok ang lamesa ni JM
Tumayo si JM at inilapit ang mukha nya kay Tristan "Wala kang pakialam kung ano man ang gusto kong itawag sa kanya. Basura na sya sa akin,Tristan. Kaya hindi mo ako pwedeng pagmalakihan pagdating sa kanya!"
Isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Tristan sa kapatid nya "Hindi mo pwedeng kuhanin si Cassandra, hindi ako papayag!"
Tumayo si JM sa pagkakatumba habang pinupunasan ang dugo sa gilid ng labi nya "Anong karapatan mo para kontrolin sya, ni hindi ka nga nya karelasyon. Alam kong mapapapayag ko sya, baka nakakalimutan mo, mahal pa ako ng babaeng kinababaliwan mo!"
"You're a monster,Martin! Hindi mo alam kung anong nararamdaman ni Cassandra. She don't deserved this!" saglit na tumigil si Tristan at bumuntong hininga "Tell me, anong gusto mong gawin ko, wag mo lang galawin si Cassandra? You want my share to this company? Ibibigay ko sayo. Gusto mo yung mamanahin ko kay Dad? Im willing to give all those things to you,just let Cassandra alone!" pakiusap ni Tristan
Natawa si JM sa mga sinabi ni Tristan "I don't need all those shit,Tristan! Ang makapaghiganti lang kay Ashley ang tanging hanggad ko, walang makakapigil sa akin! Kahit IKAW! Now, LEAVE!" sigaw nito
Galit na lumabas ng opisina si Tristan.
Agad ng lumabas ng kumpanya si Tristan at nagdrive papunta kay Ashley. Kailangan nyang makausap ang dalaga para hindi mahulog sa plano ni JM
Habang sa opisina ni Ashley, tinatapos nya ang mga portfolio nya na ihaharap sa mga potential client nya ng magring ang cellphone nya. Agad nya itong sinagot kahit nagtataka sya sa unregisted number
"Hello, goodevening!"
"Hi! Can I speak to Ms. Ashley Cassandra Cruz?"
"Yes, speaking. Who's on the line?" tanong nito sa babaeng nasa kabilang linya
"Goodevening Ms. Cruz, this is Ida, from Tolentino Real Estate Company, im calling in behalf of my Boss, Mr. Martin Tolentino"
Naramdaman ng kaba si Ashley, wala syang alam na dahilan kung bakit tumawag ang kumapanya ni JM sa kanya " What's the purpose of this call?"
"Ms. Cruz,Sir Martin wants to invite you to his office tom, to discuss something"
Mas lalong naguluhan si Ashley "Regarding saan? Im sorry, pero wala akong matandaan na pwede nyang idiscuss sa akin sa opisina nya"
"Please Ms. Cruz, for you to know kung anong ididiscuss nya pumunta nalang po kayo bukas."
Bumuntong hiningga si Ashley bago sumagot "Ok,darating ako,pakisabi sa Boss mo"
BINABASA MO ANG
OUR PERFECT TIME
Romance"I finally understood what true love meant...love meant that you care for another person's happiness more than your own, no matter how painful the choices you face might be." - Nicholas Sparks