Ngayong araw ang rehearsal ng wedding ceremony nina Dina at JM.
Sa bahay ng mga Tolentino..."Anong oras kayo nasa church?" Tanong ng matandang Tolentino kay JM habang nagbrebreakfast
"We need to be there by 11:00, Dad" sagot ni JM
"Parating si Tristan, magsabay na kayong pumunta sa Church" utos ng ama
"Kaylangan ko pang dumaan saglit sa Site, my contract signing mamaya sa bagong client for the Alabang Site"
"Sige, baka naman malate ka pa, Martin? Mahiya ka naman sa family ni Dina. Wag mo namang masyadong ipahalata na napipilitan ka lang sa kasalan na ito."
Natahimik si Martin saglit "Yes, Dad!"
"Look, Martin! Wala ng ibang karapatdapat na mapangasawa mo kundi si Dina. She's with you noong nasa worst ka ng buhay mo, ng dahil sa magaling mong ex! Hindi mo man sabihn, alam kong meron parin dyan sa puso mo na umaasang makikita mo pa sya. Isipin mo nalang ang ginawa nya sayo. You're worthless ng mga oras na yun, at ng dahil sa akin, kaya ka nasa kung nasaan ka ngayon"
Tiimbaga si JM na nakayuko. Para syang maamong tuta sa harapan ng Ama, na kaylangan nalang tanggapin lahat ng pangmanaliit nito sa kanya.
"Excuse me, Dad. Mauna na po ako, kaylangan ko pang dumaan sa Site!" Sabi nito saka tumayo at deretsong lumabas ng bahay at sumakay sa kotse nya. Saglit nyang tinawagan ang Assistant nya para ipaalam na papunta na sya " Ida, papunta na ko ng Site. Pakiready nalang ng mga kaylangan. Anong oras darating sina Mr. Saavedra?"
"On the way na po sila"
"Is Ms. Cruz already there?"
"Yes Sir, nasa opisina na nya po"
Napangiti si JM "Sige Ida, I'll be there in 30 mins" saka inend call ang tawag at binuhay ang makina ng sasakyan at nagdrive papuntang Site.
Nasa kaligatnaan ng pagdadrive si JM ng bigla itong nakarinig ng nalakas na pagkalabog at hampas sa likuran ng kotse nya. "Damn!" Inis nitong sabi saka bumaba. Binangga ng ilang delivery truck ang likuran ng kotse nya. "What happened Sir?" Inis na tanong nito sa driver ng truck
"Sir, pasensya na po. Nakatulog po ako, pasensya na Sir" paghinggi ng makaawa ng matandang driver
Pinagmasdan ni JM ang matandang kaharap "OK lang ho ba kayo? Nasaktan ho ba kayo?"
Umiling ang driver "Hindi po Sir. Kayo nga po ang inaalala ko, baka nasaktan po kayo?"
"Ok lang ho ako,Manong"
"Sir Pasensya na po talaga, nangangamuhan lang ho ako. Alam ko hong mahal ho itong sasakyan nyo, baka po pwede hulog hulugan ko nalang po bwan bwan ang pagpapaayos ng sasakyan nyo"
Umiling si JM "Hindi na ho, wag nyo na hong isipin yun. Magiingat nalang po kayo sa susunod, Manong"
"Maraming salamat po Sir! Salamat po!" Saka kinamayan ng matanda si JM
"Sige ho, tatawag lang ho ako ng towing!" Saka tumalikod si JM at tumawag sa towing company.
Sunod nitong tinawagan ay si Ida , ang assistant nya
BINABASA MO ANG
OUR PERFECT TIME
Romance"I finally understood what true love meant...love meant that you care for another person's happiness more than your own, no matter how painful the choices you face might be." - Nicholas Sparks