Tahimik at walang imikang nagbyahe si Ashley at JM pabalik ng Alabang Site. Pagpasok palang ng site ay nakita na agad ni Ashley ang nakaparadang sasakyan ni Tristan.
"May naghihintay pala sayo!" Sabi ni JM ng iparada nito ang sasakyan at bumaba. Umikot sya sa side ni Ashley at pinagbuksan ng pinto."Cassandra!!!" Patakbong tawag ni Tristan at agad na niyakap si Ashley "Where have you been? Ok ka lang ba?!" Nagaalala nitong tanong
Saglit na lumingon si Ashley kay JM na nakatingin sa kanila ngayon. Agad nitong ibinalik kay Tristan ang tingin at isang pilit na ngiti at tango ang isinagot nito.
"Martin! San mo ba dinala si Cassandra! Sabi ng staff nyo kanina pa kayong tanghali umalis!" Tanong ni Tristan
"We just- - -" tumigil sa pgsasalita si JM dahil nagsalita si Ashley
"May mineet lang kaming client, masyado kaseng busy yung client kaya kami na ang nagpunta sa place nya" pasisinungaling ni Ashley
"Kanina pa akong tumatawag sayo, hindi mo sinasagot?" Nagaalalang tanong ni Tristan
"Im sorry, nakalimutan ko yung bag ko. Nagmadali na kase kami"
Nabaling ang atensyon nila sa dumating na sasakyan,at bumaba si Dina. Agad itong lumapit kay JM at ipinulupot ang braso. "Hello, what's going on here?" Tanong nito na nakatingin kay Ashley at Tristan
"What are you doing here?" Malumanay na tanong ni JM
"Alam kong busy ka,Honey. Kaya ako nalang ang dumaan sayo dito. Are you done na ba?" Malambing na sabi ni Dina
Tumango si JM.
"Cassandra, get your bag then let's go na!" Utos ni Tristan kay Ashley
Tumango si Ashley saka naglakad papasok sa loob ng opisina ni JM.
Sinundan ng tingin ni JM si Ashley. "Ahm, Dins, pumasok ka na sa loob ng kotse ko, kukuhanin ko lang ang gamit ko sa loob." Saka ito naglakad papunta sa loob ng opisina.
Papalabas na sana si Ashley ng opisina ni JM ng magkasalubong sila at hinila ni Jm papasok ulit ng opisina si Ashley. "What?!!" Inis nitong tanong kay JM
"May kasunduan tayo, kaylangan mong tapusin ang kontrata mo sa akin. Kung hindi mo kayang hawakan ang unit ni Tito Edgar, that's fine. Pero hindi ka pwedeng hindi sumunod sa kasunduan natin!"
Kumunot ang noo ni Ashley "Don't worry, Mr. Tolentino. Wala akong balak magback out sa project na ito. Ayokong madagdagan ang listahan ng kasalanan ko sayo. At regarding sa sinasabi mong kliyente, don't worry, itutuloy ko! Gagawin ko ang design na gusto nilang magasawa!" Matapang na sagot ni Ashley
Tumango si JM bilang pagsangayon. "That's good!"
"Can I go? Naghihintay si Tristan sa akin!" Saka ito tumalikod. Pero naramdaman nito ang pagpigil at paghila ni JM sa braso nya, at naramdaman nito ang pagyakap nito
"Don't fall inlove with him! Please! Please!" Mahinang bulong ni JM pero sincere na sabi nito kay Ashley, saka ito humiwalay sa pagkakayakap
Agad na lumabas si Ashley sa opisina ni JM dahil sa gulong gulo sya sa sinabi nito sa kanya. Sinalubong sya ni Tristan at inalalayan hanggang sa makapasok sa kotse nito.
BINABASA MO ANG
OUR PERFECT TIME
Romance"I finally understood what true love meant...love meant that you care for another person's happiness more than your own, no matter how painful the choices you face might be." - Nicholas Sparks