19 - Complicated

26 4 0
                                    


Hindi mapakali si JM ng gabing nakita nya si Ashley at Tristan na magkasama. Hindi alam ni JM kung saan posibleng nagkakilala ang dalawa. Agad nyang tinawagan si Mark,pero hindi sinasagot ni Mark.

"Damn!!!" Sigaw ni JM saka hinagis ang cellphone nya

Hindi nakatulog ng gabing yun si JM at maagang pumasok sa opisina. Sinadya nya si Tristan sa opisina nito

"Nasan ka kagabi?" Tanong nito kay Tristan

"Anong meron sa tanong mo? Ikaw na ba ang guardian ko ngayon?" Pabirong sabi ni Tristan

"May nakita sayo along BGC may kasama kang babae. Sino sya? Sya ba ang dahilan kung bakit hindi ka makapagfocus sa trabaho mo?" Sunod sunod na tanong ni JM

Tumayo si Tristan at nilapitan ang kapatid "Hey! Hey! Hey! Sino ka para pakialman ang personal kong buhay! Sa loob lang ng kumpanyang ito,susunod sayo at tauhan mo. Pagdating sa labas, kanya kanya tayo. Wala akong pakialam sa ginagawa mo kaya wag mong pakialman ang ginagawa ko, kung nasaan at kung sinong kasama ko!" Galit na sabi ni Tristan

"Dad was right, pagdating sa babae nawawala ang focus mo sa mga priorities mo! Tama nga ang inadvice...." hindi pa natatapos ang sasabihin ni JM ay kinuwelyuhan na sya ni Tristan

"Wag na wag mong pakikialamanan si Cassandra! Subukan mong gawin ang ginawa ni Dad, kakalimutan ko ang katiting na koneksyon nating dalawa. Baka makalimutan ko na magkadugo tayo! Leave Cassandra,alone!" Saka nito binitawan ang kwelyo ni JM

Inayos ni JM ang damit nya "So better set your priorities! We are here for this company, not to flirt with those girl!" Galit na sagot ni JM saka lumabas ng opisina ni Tristan

Pagdating ni JM sa opisina nya agad nyang pinatawagan sa secretary nya ang kilala nyang investigator

"Sir. Martin, after lunch pa po makakarating yung pinatawagan nyong Private Investigator" sabi ng assistant ni JM

"Ida, call him now. Tell him, I want him now! Kaylangan ko ng serbisyo nya,ASAP!" Malakas na boses na sabi ni JM

"I'll try what I can do,Sir" sabi ni Ida saka lumabas ng opisina

Tinawagan agad ni JM si Mark paglabas ng assistant nya

"Yes, Bro?" Sagot ni Mark

"Mark, last night. Diba may pinakilala si Ashley sa inyong lalaki. Kaano ano nya yun?" Tanong ni JM

"Yah. Tristan yung name. Kaibigan ni Ashley. Saglit, bakit mo natanong?"

"Paano daw sila nagkakilala?" Tanong ni JM

"Hindi na namin nakakwentuhan eh, kase lasing na si AC, hinatid na nya agad sa condo. Bakit ba?"

"Si Tristan, he's my half brother! Anak sya ni Dad at ng asawa nito" pagrereveal ni JM

"Ha? Wow! Grabe naman ang pagkakataon. Did your brother know about AC?"

"No! Wala syang alam at wala syang dapat malaman. Baka gamitin nya pa si Ashley para makabawi sa akin" nagaalalang sabi ni JM

OUR PERFECT TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon