Sa isang coffee shop malapit sa opisina ni Irene naghintay si Ashley. Sinadya nya talagang pumunta ng maaga para dun nalang sya makapagpahinga habang naghihintay sa kaibigan."Nice to see you again,Ms. AC"
Napatingala si Ashley sa pinanggalingan ng boses na ngayon ay nakatayo sa harapan nya. Si Mark.
Napatayo si Ashley "Mark? Hi!"
Nagsmile si Mark "How are you? Nakabalik ka na pala?"
"Yah! Kararating ko lang this afternoon. Kamusta? Ahm, may balita ka ba kay JM?"
Hindi agad nakapagsalita si Mark, bagkus ay umupo ito sa tapat ni Ashley "Sa ngayon wala pa" pagsisinungaling ni Mark "What happened,AC? Bakit kaylangan mangyari kay JM yun?"
Napatungo si Ashley "Mark, hindi ko hinanggad na mapahamak si JM. Sinubukan kong ipaintindi sa kanya ang situation namin that time. Masyadong sarado ang isip nya sa totoong set up namin. Mark, minahal ko si JM, pero Im with Matt that time, at alam nya yun. Pero hindi nya matanggap na we are over. I admit may mga nasabi ako sa kanyang masasakit that time, I don't want to do that, hindi ko gusto na sabihin sa kanya ang mga yun, but I need to. Kung hindi ko gagawin yun, hindi nya ako ilelet go, Mark may naghihintay sa akin sa US that time, at the same time Dina was there for him. Dina asked me that favor, mahal na mahal nya si JM, she asked me na umalis ako sa buhay nila. Babae ako, alam ko ang pakiramdam nun Mark. Hindi ko sinisisi si JM sa mga nangyari, pero king inintindi nya lang sana ang situation, sa tulad ng pagintindi ko at pagtanggap ko kahit mahirap at masakit, hindi naman sana magkakaganun,Mark. But I was very sorry nung nalaman ko yun, recently lang when I saw Ian sa Dubai. For the whole time wala akong alam sa nangyari sa kanya. I lost my phone right after I came back to US. Hindi ko na naasikaso ang makibalita dito sa Manila, kase I have my own problem at struggle that time na dapat asikasuhin. Pero kung nalaman ko naman yun agad,hindi naman ako ganoon kasamang tao para hindi sya puntahan. Malaking parte ng buhay ko si JM, at hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa kanya" doon na tumulo ang luha ni Ashley
"Im sorry for that,AC. Well to tell you honestly, I admit na nagalit kami sayo noong nalaman namin yun. Kase sa inyong dalawa mas kilala ko sya kesa sayo, we're friends and business partner for quite a long time, but when Irene and Leo explained me everything naintindihan ko na ang nangyari. Mabuti nalang nakita din kita ngayon, atleast nalaman ko ang side mo. Im sorry If my times na pinagisipan kita ng di maganda dahil sa nangyari kay JM"
"Hindi naman kita masisisi, kaibigan mo si JM. Pero katulad mo, mahalaga din sya sa akin at hindi ko hinanggad kahit minsan ang mapahamak sya. So please Mark, if ever you have updates about JM please tell me. I'll stay here in Manila ng medyo matagal. I was planning to open up a business here, o sana while Im here may malaman akong balita sa kanya"
Tumango si Mark "Don't worry, I'll inform you"
Nabaling ang tingin nila sa pagdating ni Irene "Ashley!" Tawag ni Irene habang papalapit ito
Sinalubong ito ng yakap ni Ashley "I miss you so much!" Sabi ni Ashley
"Hi! Irene nice to see you again!" Bati ni Mark kay Irene saka nakipagbeso
Naupo si Irene sa tabi ni Ashley "Mabuti you're here also,Mark" sagot ni Irene
"It's just a coincidence na nakita ko si AC dito, papunta na kong Comfort Zone dumaan lang ako just to have coffee. Mabuti natyempuhan ko sya, atleast now naexplain sa akin lahat" nakangiting sabi ni Mark
BINABASA MO ANG
OUR PERFECT TIME
Romance"I finally understood what true love meant...love meant that you care for another person's happiness more than your own, no matter how painful the choices you face might be." - Nicholas Sparks