45 - Open Arms

27 3 0
                                    

Hinayaan muna ng mga kaibigan nila sina Ashley at JM na magusap at magkasarilinan. Mula sa opisina ni Ashely, ipinagdrive ni JM ang dalaga pauwi sa condo unit nito.

Kasalukuyang nasa balcony at nakatanaw sa ilaw ng kaMaynilaan si JM habang naghahanda ng maiinom nila si Ashley.

Ngingiti ngiti si JM habang nakatanaw sa malayo. Iba ka talaga, Lord. Hindi mo kami pinabayaan ni Ashley. You have your ways. Yung mga oras na give up na ko, bigla mo nalang ipaparamdam na hindi ako nagiisa sa laban. Thanks Lord! I'll treasure this chance to be with her. I'll make her the happiest girl in the world. I'll love her, the way she deserved to be love.

"I made you coffee!" Sulpot ni Ashley habang inaabot nito ang isang tasa ng kape

"Thanks!" Nakangiting sagot ni JM na tinanggap

"Hindi ko alam kung ganan parin ang gusto mong timpla ng coffee mo ah. If ever you want creamer or sugar pwede kitang ikuha" pagalok ni Ashley

Umiling si JM habang nakangiting nakatingin kay Ashley "It's still the best coffee for me! Hindi naman nagbago ang taste ko. Tanda mo parin ang gusto kong lasa" saka nito inakbayan si Ashley at hinalikan sa ulo. "Are you happy, Love?"

Iniangat ni Ashley ang paningin kay JM at tumango. "Oo, pero hindi maalis sa akin ang malungkot at magalala para kay Dina. She loves you so much! Alam kong mahirap at napakasakit sa kanya ng ginawa nya" nagaalalang sabi ni Ashley

"To tell you honestly, hindi ko akalain na magagawa ni Dina yun. It happened that Kuya----" natigilan sa pagsasalita si JM dahil sa biglang paglingon ni Ashley "Why?"

"Anong sinabi mo? Tama ba ang narinig ko? Kuya? Sino ang tinawag mong Kuya?" Buong pagtataka ni Ashley

Natawa si JM "Yes, Kuya! Sino pa ba ang pwede kong tawaging Kuya, edi ang kapatid ko. My Kuya Tristan!"

Nanlaki ang mata ni Ashley sa gulat at galak "Do you mean, OK na kayo ni Tristan?"

Tumango tango si JM "Yes! And isa yun sa mga ipagpapasalamat ko sa Dyos. Ang hinayaan nya kaming magkaayos ng kapatid ko.. He sacrifies alot, his own happiness, his love for you and his effort.. He talked to Dina last night. He explained to Dina everything, at yun ang reason kung bakit nagbago ang isipan ni Dina kanina.. I havent talk to him yet, but malaki ang ipagpapasalamat ko sa kanya"

Tumango si Ashley "Hindi ko akalain na ganun ka selfless si Tristan. Hindi ko alam kung paano ko sya haharapin one of this days. Despite of his kindness at pagmamahal, hindi man nya sabihin, alam kong mahirap sa kanya ang mga nangyari. Masakit sa kanya ang situation ngayon"

"That's Love! It means to sacrifies for the one you love just to make them happy. Alam nila na sa isa't isa tayo magiging masaya so they decided to let go there own happiness"

Napabuntong hiningga si Ashley "Hindi ko akalain na pwede pang mangyari to, to tell you honestly I already gave up. I lost hope for us"

Niyakap ni JM si Ashley "It only means that we are really for each other, My Love! I love you so much, at hindi ko alam kung paano ang magiging buhay ko without you in my life. I love you! And I will never let you go!" Saka nito hinalikan sa ulo si Ashley

Hinigpitan din ni Ashley ang pagkakayakap kay JM "I love you, too! Sorry kung iniwanan kita dati. Kung hindi yun nangyari, hindi naging ganito kakumplikado ang lahat"

OUR PERFECT TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon