28 - Re-think

25 4 0
                                    

"Mahalaga ka parin sa akin. Despite ng mga nangyari sa atin, hindi ko kayang lokohin ang sarili ko. Mahal kita, Ashley! Mahal na mahal parin kita!"

Pauli ulit na nagpaflashback kay Ashley ang mga sinabi ni JM. Kahit andito na sya sa condo nya matapos syang ihatid ni JM. "Ano ba Ashley Cassandra, masyado mong dinibdib ang sinabi ng ex mo. Ni hindi mo nga alam na baka kasama yun sa mga plano nya na paghihiganti sayo. Wag ka ng umasa, ikakasal na yun. Wala na kayong chance!" Sabi ng utak nito sa kanya. Nawala ang pagiisip nya ng magring ang cellphone nya. Si Tristan.

"Hello, Tristan!" Sagot nito sa cellphone nya

"Hi! Kamusta ka? Are you OK? Sabi sa site nirush ka daw sa hospital after mo mastuck up sa lift? What happened? Where are you right now? Pupuntahan kita!" Nagaalalang sunod sunod na tanong ni Tristan

"Hey! Im already OK. You don't have to worry. Nasa condo na ako."

"Are you sure, you're OK? Pupuntahan kita. Tatapusin ko lang tong last meeting ko, pupuntahan kita, OK?"

"Sige, ikaw ang bahala. Hintayin kita."

"Bye! I'll see you later!" Saka nito inend call

Napabuntong hiningga si Ashley. Gulong gulo ang isip nya, gulong gulo ang puso nya. Hindi nya pwedeng lokohin ang sarili na Mahal nya parin si JM, pero masyadong magulo ang situation para sa kanilang dalawa. At gusto nyang bigyan ng chance si Tristan, walang ibang inisip ang binata kundi ang makakabuti sa kanya. Pero hindi ganun sya kasigurado sa nararamdaman nya para sa binata.

Bandang alas5:00 ng hapon ng magsimulang maghanda ng pagkain si Ashley para sa kanila ni Tristan. Habang busy sya sa kitchen ay narinig nya ang pagdoorbell. Agad nya itong pinuntahan at binuksan dahil sa pagaakalang si Tristan na ito. Ganun nalang ang pagkagulat ni Ashley ng makita si JM sa harapan. "Mr. Tolentino?"

"Hi! Can I come in?" Nakangiti nitong sabi

Tumango si Ashley pero nagaalangan syang papasukin "Sure, pasok ka!" Saka nito nilakihan ang bukas ng pinto, at naglakad kasunod ni JM "Have a seat!" Alok nito

Naupo naman si JM sa malapit na sofa "You're alone here?" Tanong ni JM habang lilinga linga

Naupo si Ashley sa tapat nito "Yah. Wala naman akong pwedeng makasamang iba dito eh, unlike before Im with Matt"

"Sabagay! Anyway, kamusta ang pakiramdam mo? I bought your favorite Tofu dish and yangchow rice, para di ka na magluto" sabay baling nito sa kitchen at nakita ang nakareadyng ingredients "Oh! Nagluluto ka na pala!"

"Yah! Pero salamat parin. Dadaan kase si Tristan dito mamaya, hindi kase sya mahilig sa mga take out foods kaya I'll cook for him!"

Nakaramdam ng selos si JM sa narinig "Ow! Masyado naman atang demanding ang kapatid ko!"

"No! I love to cooked food for him. Simpleng bagay lang kase naaappreciate na nya." Nakangiting sabi ni ashley na hindi pinapahalata ang pagkaawkward

Natahimik saglit si JM saka tumitig kay Ashley "Are you two, together?" Seryosong tanong ni JM na titig na titig sa mata ni Ashley

Umiling si Ashley "No! Hindi pa. Hindi naman kami nagmamadali ni Tristan para dun. Besides mada..." naputol ang sasabihin ni Ashley ng biglang tumayo si JM

OUR PERFECT TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon