Hindi makapaniwala si Ashley habang nakikita ang repleksyon ng sarili sa harapan ng salamin. Nakangiti syang pinagmamasdan niya ang kanyang kabuoan habang suot suot ang wedding gown nya. Ang tube style white gown na wari mo'y yakap yakap ang kanyang katawan. Lutang na lutang ang kagandahan ni Ashley sa light make up nya at bun hairstyle.
"You're very beautiful, Sis! Maniwala ka sa nakikita mo" Si Irene na kakapasok lang ng kwarto nya saka niyakap at hinalikan ang kaibigan
"Thank you, Sis!" Saka ito bumuntong hiningga "Hindi ko lang namalayan ang araw sa sobrang bilis, nakalipas na pala ang 6 na bwan mula ng magproposed si JM. At eto na, it's my wedding day! A day na hindi ko akalain na posible pa palang mangyari despite sa mga pinagdaanan namin" naiiyak na sabi ni Ashley
Hinaplos ni Irene ang likod ni Ashley "Dahil you and JM are meant for each other. Kahit ano man ang pagdaanan nyo, sa isa't isa parin kayo mageend up. At masayang masaya kami, Sis! Masaya kaming mga kaibigan mo"
"Salamat Sis, isa kayo sa mga dahilan kung bakit nagwork out ulit ang relasyon namin. Part na kayo ng buhay namin ni JM, kasama kayo sa bagong chapter na sisimulan namin"
Tumango si Irene, saka pinunasan ang luha nya na di nya napigilang lumandas dahil sa kaligayahan para ka kaibigan "Ano ba yan masisira pa make up natin" pabiro nitong sabi habang natatawa si Ashley "By the way Sis, may excited na makita ka. Hindi nya mahintay na abangan ka sa simbahan"
Napakunot ng noo si Ashley "Ha?"
Sabay silang napalingon sa pagpasok ng Daddy ni Ashley sa pintuan. Saglit itong natigilan habang pinagmamasdan si Ashley. "My Princess!" Bulong nito
Napangiti si Ashley habang tinitinggan ang Ama papalapit sa kanya. "Dad!" Saka ito yumakap sa Ama
Isa sa ipinagpapasalamat ni Ashley sa Dyos ay ang pagkakaayos nilang mag-ama. At dahil ito sa tulong ni JM. Ilang araw after ng engagement nila, nagset si JM ng dinner para sa kanila ng Daddy nya. Pinakiusapan sya nito na pakinggan ang mga sasabihin ng Daddy nya. Ginawa ni Ashley ang sa tingin nyang tama at mas makakaganda para sa lahat. Gusto nyang magsimula sa buhay may asawa ng walang galit or burden sa ibang tao lalo na sa Ama niya.
"My Princess is finally a Queen! You're very beautiful, Anak!" Nakangiting sabi ng Daddy ni Ashley habang magkahawak sila ng kamay
"Thanks, Dad! You look so handsome din, Dad! Sinong magaakala na you're on your 70's na" pabiro nito sa Ama
Napapailing si Mr. Cruz sa biro ng Anak. Saka ito muling tumingin ng deretsa kay Ashley at naging teary eyed "Salamat Anak! Salamat sa forgiveness, sa another chance para maging Ama sayo. Sa muli mong pagtanggap sa akin, despite ng lahat ng ginawa ko sa inyo ng Mommy mo" saka ito tuluyang umiyak
Hindi na din naiwasan ni Ashley ang maluha "Mahal kita Dad, at kahit anong panloloko ko sa sarili ko. Hindi ko mapapanindigan ang mawala ka sa buhay ko. At alam ko na ito din ang gustong mangyari ni Mom, ang magkaayos tayo. It's just that... sa ngayon wag mo muna ipilit sa akin Dad ang matanggap ang bago mong pamilya. Please!"
Umiling si Mr. Cruz "Don't worry Anak, I respect you. As long as we're okay, wala na akong mahihiling pa. Mahal na mahal kita, Anak!" Saka muling niyakap nito si Ashley
"I love you too Dad!" mahigpit na yakap nito sa Ama
Biglang nagring ang cellphone ni Irene, agad naman nya itong sinagot "Hello?... Yah! Sige pababa na kami!" Sabi nito sa kausap sa kabilang linya. Bumaling ito kay Ashley at sa Ama nito "Nakaready na ang bridal car na maghahatid sayo sa church, shall we go?" Tanong nito sa kaibigan
BINABASA MO ANG
OUR PERFECT TIME
Romance"I finally understood what true love meant...love meant that you care for another person's happiness more than your own, no matter how painful the choices you face might be." - Nicholas Sparks