Matapos ang dinner nila Ashley sa bahay ng mga Tolentino, naging maayos naman ang pakikitungo sa kanya ng Daddy ni Tristan. Ilang beses din nitong nakita ang matanda sa site ng bumisita ito.
"Im impressed, Cassandra!" Nakangiting sabi ni Mr. Tolentino ng magsite visit sya at tignan ang isa sa mga unit na dinesign ni Ashley
"Thank You, Sir!" Nakayukong sabi ni Ashley
"I told you Dad, hindi ako nagkamali na kuhanin sya dito exclusively for our Alabang Site." Proud na sabi ni JM
"Mabuti nalang ni recommend ka ni Tristan. Maganda yan, atleast kung aabot kayo sa kasalan katulad nitong si Martin at si Dina, may maaasahan na akong maghandle ng kumpanya. Dina is Architect, then you're an Interior Designer, perfect for our construction company" nakangiting sabi ni Mr. Tolentino kay Ashley na hanggang hangga.
"Hindi pa po namin pinaguusapan ni Tristan ang regarding dyan, Sir"
"Yah, I know. Pero dun din naman ang tuloy nun. Like Martin and his Fiancè, ilang years lang din silang together. Hindi naman kaylangan ng matagalang relasyon, then ending iiwanan at gagahuhin lang. Diba Martin? That's exactly what happened to you with you Ex?"
Nakaramdam ng takot si Ashley. Alam nyang sya ang tinutukoy ng matandang Tolentino.
Saglit na tiningnan ni JM si Ashley,saka bumaling sa Ama. "Dad, that was a long ago. May bago na kong buhay, and for sure---" binaling nito ang tingin kay Ashley "for sure ganun din sya Dad, may sarili na syang buhay. Baka masaya na sya"
Iniangat ni Ashley ang tingin at tiningnan si JM, ganun nalang ang kabog ng dibdib nya ng magtama ang kanilang mga mata. Si JM agad ang nagalis ng tingin.
"Well, dapat lang. Kase hindi na sya nababagay na makigulo sa buhay mo" dugtong ng Mr. Tolentino
Napayuko nalang si Ashley dahil hindi nya maatim ang mga naririnig.
"Anyway, I have to go na. Dadaan ako saglit sa Kumpanya then lilipat ako sa Cebu tonight"
"Okey, Dad. Magiingat po kayo." Si JM
"Have a safe flight, Mr. Tolentino" magalang na sabi ni Ashley
"I'll see you guys when I'm back! Bye!" Saka ito naglakad palabas ng building at sumakay sa nagaabang na luxury car.
Hinatid ni Ashley at JM ng tingin ang palayong sasakyan ng matandang Tolentino.
"It's already lunch time, sabay na tayo." Yaya ni JM
Saglit na natigilan si Ashley at nagisip.
"Wala naman sigurong magiging problema sa boyfriend mo" dugtong ni JM
"Sure, sige." Maikling sagot ni Ashley
Napangiti si JM sa pagpayag ng dalaga "Shall we go?" Yaya nito
Tumango lang si Ashley at hinintay na maglakad si JM papunta sa sasakyan nito saka ito sumunod. Agad itong pinagbuksan ni JM ng pintuan ng passenger seat. "Salamat!" Saka ito pumasok. Hindi parin mawala ang kaba at asiwa sa twing nakakasama nya ang dating nobyo.
BINABASA MO ANG
OUR PERFECT TIME
Romance"I finally understood what true love meant...love meant that you care for another person's happiness more than your own, no matter how painful the choices you face might be." - Nicholas Sparks