22 - On process revenge

31 3 0
                                    

Ilang araw na ang nakaraan magmula ng malaman nila ang tungkol kay JM. Noong una ay hindi agad maintindihan ni Ashley kung paano nangyari ang lahat, kung paano naging komplikado ang mga buhay buhay nila, at kung paano maglaro ang tadhana.

Natapos na ang kasal ni Ian at Tina kaya makakapagfocus na si Ashley sa pagaasikaso nya ng sisimulang opisina sa Pilipinas. Nakarating narin si Jane,ang assistant nya, mula sa Dubai at katulong nya sa pagaasikaso ng lahat.

"AC, ngayong ready na tong office natin dito. What's your plan? May mga potential clients ka na ba?" Tanong ni Jane habang nagkakabit ng frames ng business permits nila

"Wala pa, pero yung bahay muna nina Ian at Tina ang aasikasuhin ko. This week nila ako isasama sa bagong gawa nilang bahay sa Tagaytay then dun narin nila ididiscuss yung gusto nilang design. Ok lang ba na ikaw muna maghandle ng interviews ng applicant natin? Hindi naman required na may experience na sa interior designing, much better kung fresh grad para mas madali pang itrain, let them discover for there own designs, unlike ng may experience na, baka gamitin lang nila yung mga dati nilang designs" sabi ni Ashley

"Sure, no problem. I can handle that" nakasmile na sagot ni Jane

"Thanks,Jane!"

Nagring ang cellphone ni Ashley, si Rocky

"Hi! Rock! Napatawag ka?" Sagot ni Ashley

"Did I disturbed you?"

"No, not really. Andito lang kami ni Jane sa office nagaarrange ng mga kaylangan pa"

"Naglunch ka na? Can I invite you out?"

"Sige OK lang naman, wala pa naman akong gagawin eh. San ka ba now?"

"Ngayon? Andito sa parking area sa harapan ng office mo"

"What are you doing there?" Natatawang tanong ni Ashley

"Im waiting for you, sabi mo you're free for lunch,right?"

"That fast?! Ay naku, sige na sige, baba na ko. Wait for me!"

"OK! See yah!"

Saka inend call ni Ashley ang tawag.

"Jane, sabay ka na samin ni Rocky maglunch" yaya ni Ashley kay Jane

"Sige lang,AC! Mauna ka na, mamaya nalang akong maglulunch pag punta ko sa Munisipyo para sa final permit natin" sabi ni Jane

"Are you sure?" Paninigurado ni Ashley

Tumango si Jane at bumeso kay Ashley bilang paalam "Yes! Sige na, mukhang may naghihintay sayo. Tawagan nalang kita if merong maging conflict"

Hinawakan ni Ashley ang kamay ni Jane "Thanks,Jane. Mauna na ko" saka ito lumabas ng kanyang opisina

Paglabas ni Ashley sa building ay agad nyang nakita si Rocky sa may entrance na nakasandal sa kotse nitong naghihintay. Agad itong nagsmile at nilapitan sya "Hi! Gorgeous!" Bati ni Rocky kay Ashley saka bumeso

"Naghintay ka ba ng matagal? Sorry ah!"

"That's OK. No worries. Shall we go?" Nakangiting tanong ni Rocky habang binubuksan ang pintuan ng front passenger seat ng kotse nya

OUR PERFECT TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon