Walang katapusang paalaman ang ginawa ni Ashley at ni Jane habang nasa airport ito.
"Promise me, you keep me updated, OK? Kung may problema, wag kang mahiyang sabihan ako. CEO ka na, siguro naman hindi mo akong titipirin kung lagi mo akong tatawagan or even facetime? Ok?" Paalala ni Ashley habang yakap yakap ang umiiyak na si Jane
"Pwede bang monthly ka dumalaw? Magmula ng magkakilala tayo, ito ang pinakaayokong pagpapaalam na ginawa natin, kase I know na matagal bago ulit kita makita. Nasanay na kong lagi mo kong kabuntot" umiiyak na sabi ni Jane
"Shhh! Enough. Sanayin mo na ang sarili mo na you're no longer an assistant, you're the Boss now, Jane. And you really deserved that. As soon as maging ok na ko sa Manila, pipilitin kong makadalaw kahit every 3 months. Hindi din naman ako sanay na di kasama" naluluhang sabi din ni Ashley
"Hindi ba pwedeng magextend ka pa ng ilang araw or a week dito sa Dubai? Wag mo naman akong biglain sa pagalis mo" pakiusap ni Jane
Natawa si Jane "Jane, I loved to. But nasabi ko na kay JM na ngayon ang uwi ko. He's expecting me there. You know naman ang naging situation namin ni JM, after ng mga nangyari, we need to separate agad, so gusto ko sanang bumawi sa kanya"
"Okey Okey! Sige, basta once na nagpropose na sayo si JM, ako ang una mong sasabihan ah!"
Mas lalong natawa si Ashley "Matagal pa yun, knowing JM, alam ko wala pa sa isip nya yun. Madami pa syang kaylangang ifix lalo na sa kumpanya nya. But if ever dumating man yung time na yun, hindi maaaring hindi mo malalaman. Sa ngayon, wag mo munang isipin yun, matagal pa yun. Basta, I'll call you pagdating ko ng Pinas. Im excited to see JM. Please be happy for me, Girl!"
Natawa si Jane "Ofcourse Im happy for you. You're happiness is my happiness also. Nagbabaka sakali lang, baka makakalambing lang"
"Sus! Sige na, tinatawag na yung flight ko. Be good, OK?"
Tumango si Jane "Mamimiss kita!" Saka muling yumakap ng mahigpit
"I'll miss you too." Sagot ni Ashley "I have to go, bye!"
Tumango si Jane "Bye!" Saka nagwave sa palayong si Ashley
Bago pumasok ng eroplano si Ashley, ay sinubukan nya munang tawagan si JM para ipaalam na flight na nito, pero hindi sumasagot ang binata Maybe he's in the meeting. Saka pumasok ng eroplano at sinundan ang nagaassist na flight attendant papuntang business class section.
After ng ilang oras n lanflight ni Ashley, excited itong lumabas ng arrival area para tingnan si JM na syang susundo sa kanya.
Unti unting napawi ang ngiti nito ng makita si Ida, ang assistant ni JM na papalapit."Hello, Ms. Cruz, how's the flight?" Masayang bati ni Ida
"Hi! Ida, nice to see you again. Ok naman. Ahm! Si JM?" Tanong nito
"Ms. Cruz, Hindi makakasundo si Mr. Tolentino, may biglaan syang dinner meeting sa Tagaytay. He asked me na doon nalang kita ideretso"
Napakunot ang noo ni Ashley "Sa Tagaytay? It's already 8:00, anong oras pa tayo makakarating ng Tagaytay"
"Pero yun po ang bilin ni Mr. Tolentino"
BINABASA MO ANG
OUR PERFECT TIME
Romance"I finally understood what true love meant...love meant that you care for another person's happiness more than your own, no matter how painful the choices you face might be." - Nicholas Sparks