Katulad ng sinabi ni Ashley kay Mark, ay kinabukasan na nila itinuloy ang meeting. Pagdating nya sa CZLC ay andun na si Mark, as usual wala parin sina JM at Dina. Hindi man aminin ni Ashley ay ramdam niya ang kaba. Makakaharap na naman nya si JM, hindi nya alam kung paano na naman nya ito pakikitinguhan. Kinuha nya ang kaha ng sigarilyo nya at nagpaalam kay Mark."Mark, labas lang ako saglit." Paalam nya kay Mark
"Sige,wala parin naman sila eh" sagot ni Mark
Paglabas ni Ashley ay agad nyang tinanong ang guardya kung saan pwedeng manigarilyo at hindi naman pala kalayuan. Nakailang hithit at buga na sya ng maramdaman nyang may nakatingin sa kanya sa likod. Agad syang lumingon at nakita nyang nakapamulsang nakatayo si JM. Agad nya itong inirapan.
"Marunong ka na pala nya?" tanong ni JM habang nagsisindi din ng sigarilyo nya
Napalingon ulit si Ashley sa kanya " Ikaw din pala, marunong ka na nyan!"
"Oo marami na kong natutunan, mga bagay na ipinagbabawal mo sa akin dati, sinimulan kong gawin magmula ng umalis ka. Infairness nageenjoy naman ako" pilosopong sagot ni JM
"Look, JM. Kung paulit ulit mong babanggitin ang past natin, sa tingin mo ba makakapagtrabaho tayo ng ayos? Kung hindi mo kayang magpakaprofessional, sana di mo nalang itinuloy tong project na to sa akin."
Natawa si JM "Hindi ko akalain na hanggang nagyon pikon ka parin. Well, sige Fine! Baka sabihin mo na naturingan ako Businessman ay hindi ako professional,sige pakikitunguhan kita ng maayos sa oras. Isabotage mo pa ang club namin eh!" Mayabang na sagot ni JM
Itinapon ni Ashley ang natirang sigarilyo "Ang yabang mo!" Pikon nitong sigaw sa mukha ni JM saka nagwalk out at pumasok sa loob ng club.
Naiwan si JM na tatawa tawa. "Para parin syang bata, pikon!" Itinapon na nya ang sigarilyo at sinundan na din si Ashley
Pag pasok ni JM sa club, nasa 2nd floor palang ay rinig na nya ang boses ni Leo. Nagkita na sigurado yung dalawa ni Ashley. Pagpasok nya sa opisina ni Mark ay sinalubong nya ni Leo.
"Bro! Si Ashley! Si Ashley, bumalik!" Masiglang sabi ni Leo "Atlast, narinig din yung dasal mo, Bro!"
Walang pasabing hinampas ni JM si Leo sa dibdib! "Ang daldal mo, Bro! Andto si Ashley as interior designer wag kang magisip ng kung ano!"
Uubo ubo si Leo! "Ang sakit nun, Bro!" Daing ni Leo "Kamusta ka na,Ash?" Baling ulit ni Leo kay Ashley
"Ok lang ako,Leo! Natutuwa ako na nakita ka ulit. Makulit ka parin." Nakangiting sagot ni Ashley
Titig na titig si JM kay Ashley, ang tagal nyang hinintay na makita ang ngiti na yun. Dati walang araw na hindi nya nasisilayan ang ngiti ni Ashley, gusto nya laging napapasaya ang dalaga.
"Tamang tama, may konting get together yung mga karamihan ng batchmates natin sa isang araw. Sana makasama ka." Yaya ni Leo kay Ashley
"Sige, tawagan mo ko para alam ko yung details" sagot ni Ashley
Iniabot agad ni Leo ang cellphone nya kay Ashley para isave ang number ng dalaga "I'll update you as soon as possible, madami din na mga batchmates natin ang namimiss ka"
BINABASA MO ANG
OUR PERFECT TIME
Romance"I finally understood what true love meant...love meant that you care for another person's happiness more than your own, no matter how painful the choices you face might be." - Nicholas Sparks