24 - He's the Boss

23 4 0
                                    


Paglabas ni Ashley sa opisina ni JM ay agad syang dumeretso sa sasakyan nya at isinandal ang ulo sa manibela.

"Ashley Cassandra, ano bang pumasok sa isip mo at tinanggap mo ang offer ng ex mo!" Sabi ni Ashley sa sarili "Ang tanga tanga mo!" Saka nito hinampas ang manibela. Natigil ang pag palo nya sa manibela ng magring ang cellphone nya. Agad nyang kinuha sa loob ng bag nya, nakita nya ang pangalan ni Tristan sa scene, saka nya naalala ng nagpapadaan nga pala ang binata sa opisina nya

"Shock!" sabi nya saka natampal ang noo nya. "Hello, Tristan!" sagot nya sa cellphone

"Hey! Where are you? Sabi ni Ida wala ka na sa opisina ni Martin" nagaalala nitong tanong sa kabilang linya

"Ahm, Yah. sorry hindi na kita nadaanan sa opisina mo. Hindi na din ako nakatawag sa yo, sumama kase ang pakiramdam ko. Im sorry " Pagsisinungaling nito, ang totoo kase ay hindi na nya naalala si Tristan, naoccupied na ng mga pinagusapan nila ni JM ang utak nya

"Are you Ok? Nasaan ka? Pupuntahan kita, wag ka ng magdrive, baka kung anong mangyari sayo" Natatarantang sabi ni Tristan

Nakaramdam ng kunsenya si Ashley sa pagsisinungaling nya "Hey! Don't worry about me, Im OK. Papunta na akong opisina, I need to talk to Jane kase. Im OK wala kang dapat ipagalala"

"Are you sure? Anong sinabi sayo ni Martin? Did he hurt you?" tanong ni Tristan

"No! Tristan. Hindi naman nya ko sinaktan, at hindi ko naman hahayaan na saktan nya ako. He just discuss yung project na binigay nya sa akin"

Saglit na natahimik ang linya. Hindi agad umimik si Tristan

"Hey! Tristan, are you still there?" dugtong ni Ashley

"You accept the project?"

"Yes, tinanggap ko,Tristan. Kung ito yung paraan para makabawi sa ginawa kong kasalanan sa kanya, gagawin ko. Gusto ko narin magkapeace of mind, Tristan." sabi ni Ashley

"But, alam mo...." hindi pa natatapos ni Tristan ang sasabihin ay nagsalita na si Ashley

"Yes, I know Tristan. Alam ko na may posibilidad na bumawi sa akin, na pahirapan nya ko, pero Im taking the risk para ipakita sa kanya na hindi ko gustong saktan sya nun, na nagsisisi ako sa mga nangyari dati. Don't worry about me,Tristan. Im OK. Kaya ko to. After this project, aalis na ko sa buhay nya"

"Hindi ko hahayaan na masaktan ka nya, Cassandra. I'll be with you, all the time!"

"Thanks, Tristan."

"Sige na, puntahan nalang kita later. Magingat ka sa pagdadrive. I'll see you later"

"Ok, Ikaw din." saka nito inend call ang tawag nito at nagpatuloy sa pagdadrive





Sa opisina ni JM, pinilit nyang ipagpatuloy ang mga dapat gawin kahit na saglit syang nadistract sa paghaharap nila ni Ashley. Hindi nya akalain na papayag ito sa inioffer nyang trabaho. Hindi din nya maipaliwanag ang naramdaman nya ng maghawak sila ng kamay kanina. Hindi nya maintindihan na parang gusto nyang hilahin ang dalaga at yakapin,sabihin na miss na miss nya ito.

Nawala sa pagiisip si JM,ng biglang bumukas ang pintuan ng opisina nya at pumasok si Dina

"Martin, please explain to me, ano tong nalaman ko sa assistant mo na nagpunta si AC dito sa opisina mo?" galit na tanong ni Dina habang palapit sa table ni JM

OUR PERFECT TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon