2 - Closer

70 6 0
                                    



Alas Onse na ng umaga ay mahimbing paring natutulog si JM sa unit nya katabi ang babaeng nakilala nya noong nakaraang gabi. Dahan dahang nagmulat ng mata si JM ng marinig nyang nagriring ang cellphone nya na nasa gilid na kama nya. Kinapa nya kung nasan ang teleponong tumutunog habang pupungay pungay ang mata. Tinapunan nya muna ng tingin ang babaeng nasa tabi nya na mahimbing parin na natutulog.

Napailing nalang si JM ng maalala kung paano nangyaring may katabi syang babae. "Yes, Bro. Ang aga mo naman atang manggising?" sagot ni JM sa telepono. Si Mark ang kausap nya sa kabilang linya

"I have a good news,Bro. Napapayag ko yung interior designer na sinasabi ko sayo" excited na sabi ni Mark

"Yun lang ba Bro? Edi good for you. Pwede ko na bang iend tong tawag nato?" walang ganang sagot ni JM

"Wait lang,Bro. Ayan ka na naman, siguro may babae na namang naghihintay sayo sa kama"

"Tado! masakit ulo ko, may hangover pa ko. Baka palayasin ko na nga tong babae na to eh. Ano pa bang sasabihin mo?" inis na tanong ni JM

"Eto nga, darating si Ms. AC sa makalawa, nagset ako ng meeting sa kanya at sa CZLC ko sana iseset yun. Tayong dalawa ang haharap sa kanya as Club Owner at the same time, subukan mo ng tawagan si Dina sya ulit ang gagawin nating Architect"

"Ako talaga ang kokontak sa kanya, nagpapatawa ka ba? Para saan pa ang Assistant mo kung sa akin mo ipapasa ang trabaho nya. Madami akong gagawin, let your assistant ang kumontak sa Architect mo"

Natawa sa kabilang linya si Mark "Sorry Bro ah! Pero nakakatawa ka, masyado ka naman obvious kay Dina, halatang iniiwasan mo sya. Ikaw kase ayaw mo pang makipagbalikan dun sa tao, mabait naman si Dina, maganda, hot anong reason mo bakit ayaw mo syang balikan?"

"Dahil ayoko na, hindi ko ugali ang balikan ang mga naging Ex ko. Minsan na silang naging part ng buhay ko at tapos na yun."

"Talaga lang ah, eh pano kung si The One that Got Away yung bumalik? Paano pag ung Ashley mo yung makipagbalikan sayo?" pangaasar ni Mark

"Hindi na babalik yun, at kung babalik man sya, wala na syang babalikan. Saglit nga, bakit nauwi sa lovelife ko yung usapan. Kung wala ka ng sasabihin itigil na natin tong usapan nato. Gusto ko pang matulog,Please lang Acosta"

"Sige na, sige na. Assistant ko nalang ang patatawagin ko kay Dina. Ayusin mo ang itsura mo sa isang araw ah, yung itsurang Owner naman, baka mapagkamalan kang Bartender ng mga makakausap natin." pagpapaalala ni Mark

"Oo na, Oo na. sige na,babye na Acosta!" saka inend call ni JM ang tawag "Hay! ang aga aga!" saka ito nahiga muli sa kama

Nagising naman ang babae na katabi nya at agad itong humakap sa kanya "Goodmorning, Baby!" malandi nitong bati kay JM

"Hi! What's your name again? Im sorry, lasing na lasing ako kagabe"

Ngumiti ng malandi ang babae at inilapit ang mukha kay JM "It's Ashley,baby. Ilang beses mo pa ngang isinigaw ang pangalan ko kagabe diba?"

Biglang napatayo sa pagkakahiga si JM at nasabunutan ang sarili nyang buhok sa sobrang bigla "Ahm! Fix yourself and leave my unit!" mahina nitong sabi

"What? Why Baby?" tanong ng babae sabay yakap kay JM

"Please, Leave. Ashley! Leave!" malakas nitong sabi

OUR PERFECT TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon