Nang nakabalik sina Ashley at JM sa site, agad itong dumeretso sa mga opisina nila. Ngingiti ngiti si JM habang iniisip na magiging tatay na ang bestfriend nya. Hindi tuloy nito namalayan na nasa loob na ng opisina nya si Dina.
"What's with that smile?" Masiglang bati ni Dina saka dumeretso sa nobyo at hinalikan
"Andito ka pala, hindi ka man lang nagsabi na dadaan ka."
"Do I need to inform you ba? Sorry. Anyways, we will have a rehearsal sa isang araw para sa wedding ceremony. My secretary already informed yung mga bridesmaid and groomsmen. Same with the sponsors natin"
Tumango tango si JM "Ano pang kaylangan kong gawin?"
"Well, kaylangan ang presence mo that day! Yun lang. Clear your schedule that day,ok?"
"Sige, I'll be there."
"Good!"
"By the way, baka hindi ko na irequired na umattend si Ian sa rehearsal, nasa hospital si Tina, muntik na syang mamiscarriage"
"Ow! They're pregnant? Wow, good for them!"
"Yah, nakakaexcite nga eh. Naunahan nya ko!" Natatawang sabi nito
Lumapit si Dina sa nobyo at hinimas ang balikat "Pwede naman natin trabahuhin yun, Hon!" Malandi nitong sabi
Saglit na pinagmasdan ni JM si Dina. This girl! Few days nalang mapapangasawa ko na sya. Sya ang magiging Ina ng Anak ko. Ilang araw nalang, matatapos na ang pagasa ko para sa amin ni Ashley. Ang babaeng tanging pinangarap kong pakasalan at makasama habang buhay bilang nanay ng mga Anak namin.
"Few days nalang, Mrs. Tolentino na ko. And I can't wait to be a wife and a Mom"
Napatalikod si JM" Madami pa akong dapat tapusin, Dins. I'll call you nalang"
Napasimangot si Dina "As always! Sige, pagbibigyan kita hanggat hindi pa tayo kasal, pero after our wedding aalis tayo pa Paris, yun yung gift sa atin ni Mom. Our honeymoon trip" saka nito ipinulupot ang 2 braso sa leeg ni JM
Hindi na nakasagot si JM dahil sunod sunod na katok ang narinig nya sabay bukas ng pinto ng opisina nya at iniluwa si Ashley "Martin, paki..." natigilan si Ashley sa pagsasalita dahil sa bigla, saka tumalikod "Im sorry,babalik nalang ako mamaya"
"Wait, Ash!" Pigil ni JM na inalis ang kamay ni Dina sa pagkakayakap, pero nakalabas na si Ashley ng opisina. Napabuntong hiningga ito saka bumaling kay Dina "Dina, oras ng trabaho ko. Tatawagan nalang kita!" Inis nitong sabi
"Really? Trabaho ba talaga, Martin?"
"Please!" Inis na sabi ni JM
"Fine! Aalis muna ako, para asikasuhin mo ang trabaho mo at hindi ang ibang tao. Martin, magiging asawa mo na ako. Leave Her alone!" Saka ito dali daling lumabas ng opisina ni JM at umalis.
Muli itong umupo sa swivel chair nya at napahilamos ng dalawang palad sa mukha nya.
Samantala, katatapos lang ng meeting ni Tristan sa Tagaytay, saka lang nya nakita ang message ni Ashley. Agad naman nitong tinawagan ang nobya.
BINABASA MO ANG
OUR PERFECT TIME
Romance"I finally understood what true love meant...love meant that you care for another person's happiness more than your own, no matter how painful the choices you face might be." - Nicholas Sparks