Naging maayos ang araw nila sa resort na yun, iba't ibang activities ang ginawa nila na ikinaenjoy naman ng lahat. Natapos ang isang araw nila ng walang iniisip na problem, after dinner they decided to have some drinks sa bonfire. Andun ang tawanan, kulitan at asaran, hindi din maiaalis ang magreminsce ng college life nila."Naku, alam mo ba Tina yang si Ian akala namin bakla yan, never nanligaw noong college kami. Kaya gulat na gulat kami noong nagsabi at maginvite para sa engagement nyo." Pangaasar ni Irene
"If I know Irene, nagexpect ka lang na ligawan kita noon, akala mo kase noon,trip kita. Kaya dikit ka ng dikit sakin" sagot ni Ian na sinabayan ng malakas na tawanan
"Eh, bakit hindi ka nga ba nanliligaw noon,Babe?" tanong ni Tina
Napakamot ng ulo si Ian "To tell you honestly guys, Babe. Freshmen palang kami noon, si Ashley talaga ang type ko, kaya lang kase tropa ko na si JM noon, eh 3rd day palang ng pasukan nun, aba si JM pinormahan na agad tong si Ash, kaya ayun nagparaya ako. Buti nalang naging close din kami ni Ashley, naging little sister ko na sya dahil din kay JM" pagamin ni Ian
"Mukhang campus crush ka noon,Ash ah!" nakangiting sabi ni Tina
"Naku, sinabi mo pa. Ang daming nanligaw dyan, ewan ko ba kung bakit kay JM bumagsak" Singgit ni Leo
Isang hampas sa likod ang isinagot ni JM kay Leo "Bestfriend ba kita? Grabe ka sakin makapagdown ah!"
"Joke lang,Bessie!" sabay peace sign na sabi ni Leo
"Nga pala,Ash kelan ang alis mo papuntang US?" Tanong ni Ian
Nagkatinginan si JM at Ashley bago ito sumagot "Ahm, pinapaayos ko pa sa secretary ni Matt yung Flight ko, pero siguro this week din yun. Don't worry, di naman ako aalis ng di nagpapaalam sa inyo. After this trip magkikita pa tayo bago ako umalis"
"Basta keep in touch lagi,Friend ah!" sabi ni Irene
"Can we include you in our entourage,Ash?" Tanong ni Tina
"Ha? Ahm, Sige Ofcourse." sagot ni Ashley
"Wow, that's good!" sagot ni Ian
"Basta kasama din kayo sa entourage ng kasal namin ni Ash" Nakangiting sabi ni JM
Nagtinginan silang lahat kay JM
Hinampas ni Ashley si JM sa binti "Ano ba yang pinagsasabi mo?'
"Bakit, may masama ba doon sa sinabe ko? Hindi natin hawak ang kapalaran, hangga't wala pang wedding ring na suot ang isa sa atin, hindi imposibleng maikasal tayo " Ngiting ngiting sabi ni JM
"Well, may point ka naman doon, Bro. Sayang no, kung hindi ka kaya umalis ASh, hanggang ngayon kayo parin ni JM?" tanong ni Ian
"For sure, baka nga may anak na kami ngayon eh! Diba,Ash?" sagot ni JM sabay akbay kay Ashley
"Tumigil ka nga,John Martin Yap. Kung ano ano ang lumalabas sa bibig mo" Asar na sagot ni Ashley
"Tama na yan, baka kung saan mauwi yang asaran na yan, baka magkapikunan kayo" Saway ni Leo
"If ever kaya magpropose ako sayo,Ash! Anong isasagot mo?" seryosong tanong ni JM
BINABASA MO ANG
OUR PERFECT TIME
Romance"I finally understood what true love meant...love meant that you care for another person's happiness more than your own, no matter how painful the choices you face might be." - Nicholas Sparks