25 - Hello,Reality!

19 3 0
                                    

Ilang minuto na ang nakalipas ng lumabas si Ashley sa opisina ni JM.

"Mr. Tolentino, andyan na po yung client natin na kumuha ng 2 units." sabi ng salesman sa phone

"Sige, papasukin mo nalang sila dito sa opisina ko" utos ni JM "And pakihanap si Ms. Cruz, pakisabi na kailangan na sya dito"

"Copy,Sir!" saka ibinaba ni JM ang tawag

Inayos ni JM ang suot na suit bago humarap sa kliyente. ALam nyang hindi basta bastang tao ang makakaafford bumili ng 2 units sa kanilang kumpanya.

Ilang sunod sunod na katok ang narinig ni JM "Come in!"

Saka bumukas ang pintuan at pumasok si Eric, ang head ng sales, kasunod ang 1 nasa mid 30's na babaeng sopistikada. Ganun nalang ang pagkabigla ni JM ng makilala ang kasunod na matandang lalaki. "Tito Edgar?" gulat na wika ni JM na titig na titig sa pagkakakita ng Daddy ni Ashley

"JM? Hijo is that you?" hindi makapaniwalang tanong ni Mr. Cruz

"You know him, Honey?" tanong ng babaeng nakapulupot sa braso ng ama ni Ashley

"Yes, ex boyfriend sya ng Anak .. Anak ni Mhela" Nauutal na sabi ni Mr. Cruz

"Oh! Small world!" nakangiting sabi ng babae

"By the way,Mr. and Mrs. Cruz, this is our CEO MR. John Martin Tolentino" pagpapakilala ni Eric

Inilahad ni Mr. Cruz ang kamay kay JM "It's nice to see you,JM" nakangiting sabi ng matanda

Tinanggap naman ni JM ang kamay ni Mr. Cruz, kahit hindi nya malaman ang nararamdaman. Inaalala nya si Ashley, siguradong magugulat ito. "Have a seat Sir, Maam!" sabi ni JM "Eric, give them something to drink" utos ni JM

"Yes, Sir!" saka lumabas ang staff ni JM

"Kamusta ka,Hijo? Ang pagkakaalam ko Yap ang surname mo, bakit naging Tolentino?" kaswal na tanong ni MR. Cruz

"It's a long story--" hindi na natapos ang sasabihin ni JM ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Ashley.

Nabaling ang tingin ni JM, MR. Cruz at ng bago nitong asawa sa pagbukas ng pinto. Agad namang tumayo si JM para pigilan sana si Ashley pero huli na.

Nakayukong pumasok si Ashley sa opisina ni JM, dahil sa inis parin nito sa lalaki pero parang nabuhusan ng malamig na tubig si Ashley ng makilala ang lalaking nasa harapan ng table ni JM. Magmula ng umalis sila ng Mom nya sa bahay nila ay ngayon nya lang ulit nakaharap ang Ama. Pinagpalit palitan ni Ashley ang tingin ky JM at sa Amang nakatayo na din "What's this? Anong meron,JM?" nanginginig na tanong ni Ashley

Naglakad palapit si JM kay Ashley "Ahm, Ashley it happens that Mr. and- - Mr. and Mrs. Cruz are our clients na imemeet ngayon"

Napakunot ang noo ni Ashley "Mrs. Cruz??" takang tanong nito

"Yes, Im Divine Cruz, wife of Edgar Cruz, eh ikaw sino ka ba at parang gulat na gulat ka!" mataray na sabi ng babaeng kasama ng Ama ni Ashley

Natawa ng pilit si Ashley, saka umirap. "Wow! What a surprise, What a reunion!" pigil na pigil si Ashley na ilabas ang galit dahil sa situation nya ngayon "You know this? You planned this?" baling ni JM

OUR PERFECT TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon