Matapos ang lunch sa mansion ng mga Tolentino, ipinagdrive ni JM si Ashley papunta sa Airport. Habang byahe...
"Love, do you really need to go?" Muling tanong ni JM kay Ashley habang ang isang kamay ay nasa manibela at ang kanan nito ay nakahawak sa kamay ng dalaga.
"Love, inexplain ko na to sayo kahapon diba? I really need to be there. Please understand" lambing ni Ashley
"Basta panghahawakan ko ang promise mo na hanggang 2 months lang ah! Wag mo din akong pagbabawalan na dalawin ka dun, weekly"
Natawa si Ashley "Weekly? Seryoso ka ba? Gagawin mong Batangas ang Dubai?"
"Oo, gagawin ko kung kinakailangan"
Napailing nalang si Ashley "Hay! Naku Mr. Tolentino."
Saktong nakared ang traffic light kaya inalis ni JM ang kamay sa manibela at hinila papalapit sa kanya si Ashley at niyakap ng mahigpit. "Hindi ka pa umaalis, namimiss na kita" saka nito hinalikan sa noo ang dalaga
"Natiis nga natin ang ilang taon na di magkasama, sisiw nalang sa atin ang 2 months." Sagot ni Ashley at hinigpitan ang yakap "I love you, JM"
Napangiti si JM sa narinig "I love you more, Love!" Saka nito mabilis na iniangat ang mukha ni Ashley at hinalikan sa labi "Be good there, OK?" Sabi nito ng maghiwalay ang labi nya
Kinindatan si Ashley si JM saka ngumiti "As always!"
Muling bumalik sa pagdadrive si JM "By the way, anong pinagusapan nyo ni Kuya kanina?"
"Ha? Ah! Wala, nagthank you lang ako sa kanya. At the same time, sinabi nya din sa akin na ok na sya. Na tanggap nya na ang relasyon natin"
Napangiti si JM "I havent talk to him since yesterday, malaki ang utang na loob ko sa kanya. Magmula nang napunta ako sa poder ni Dad, ngayon ko lang naramdam na may pamilya ako. Na despite of everything, is still have them pala"
"Mahal ka nila, maswerte ka na you have them in your life. Na may matatawag kang family" saka dahan dahan nakaramdam ng lungkot si Ashleyng maisip ang kanyang Mommy at ang huling pagkikita ng kanyang Ama
Saglit na tinapunan ni JM ng tingin ai Ashley saka ibinalik ang mata sa daan "Hey! You have me, you have our barkada, our family is your family also." Saka nito hinalikan ang kamay na hawak hawak
Pilit na ngumiti si Ashley "Thanks." Saka ito bumuntong hiningga "Siguro, ganon talaga kamahal ni Dad yung babae nya ngayon. Kase pinagpalit nya ang lahat para sa kanya. Ni hindi nya nga ata naisip na hanapin ako at paliwanag sa mga nangyari sa buhay nya"
Ramdam ni JM ang lungkot sa boses ng dalaga "Love, may right time si Lord para sa lahat. Hindi hahayaan ng Dyos na hindi kayo magkaayos ng Daddy mo. So please, wag mo muna isipin yun please. Ayokong umalis ka na alam kong malungkot ka. Sige ka, baka hindi kita paalisin?"
Umirap si Ashley habang natatawa "Oo na"
Hindi naman nagtagal ay nakarating na sila sa Airport. Laking gulat ni Ashley ng makita nya ang mga kaibigan. Si Ian, Leo at Irene.
"Tinawagan ko sila, pinaalam ko na ngayon ang flight mo. Nagpumilit sila na pumunta dito" nakangiting sabi ni JM ng makababa sila ni Ashley ng sasakyan
BINABASA MO ANG
OUR PERFECT TIME
Romance"I finally understood what true love meant...love meant that you care for another person's happiness more than your own, no matter how painful the choices you face might be." - Nicholas Sparks