Parang binuhusan ng malamig na tubig si Ashley sa narinig "Martin? Tinawag mo syang Martin,Tristan?"Nagsukatan ng tingin si JM at Tristan. Dahan dahang tumayo si JM habang pinupunasan ang dugo sa gilid ng labi "Oo, Ashley! Ako na si Martin Tolentino, wala na ang JM Yap na ginago mo!" Galit na sabi ni JM saka tumalikod, nakailang hakbang na si JM bigla itong tumigil at humarap ulit kay Ashley na nakaupo sa sahig habang yakap yakap ni Tristan "By the way Ms. Cruz, kapatid ko yang lalaking nilalandi mo. You both go to Hell!" Dugtong ni JM saka naglakad na ulit palayo
Pinilit ni Ashley na tumayo, buti nalang nakaalalay sa kanya si Tristan at nasalo sya sa pagbagsak nya "Ouch!" Daing ni Ashley ng itapak nya ang kanang paa
"You're in pain, dadalhin kita sa ospital!" Sabi ni Tristan
Bahagyang itinulak ni Ashley si Tristan "I can manage, bitawan mo ko!"
Hindi nakagalaw si Tristan sa narinig, galit sa kanya si Ashley. Naiwan syang nakaluhod sa sahig habang si Ashley ay unti unting ihinahakbang ang masakit na paa.
Nakakailang hakbang palang si Ashley ay kitang kita ni Tristan ang dahan dahan nitong pagbagsak sa sahig, agad nyang tinakbo ang kinaroroonan ni Ashley at sinalo ang dalaga sa pagbagsak
"Cassandra! Cassandra!" Tawag ni Tristan sa dalagang nasa braso nya ngayon na walang malay "Damn!" Naisigaw nya at agad nyang binuhat at dinala sa sasakyan nya.
Hindi alam ni Tristan kung ilang sasakyan ang naovertakekan nya sa bilis ng pagmamaneho nya papuntang ospitalHabang chineck up si Ashley sa loob ng emergency room ay dumating naman sina Irene at Leo.
"What happened?" Tanong ni Irene na hinihingal pa
"She passed out, she got sprain also. Hinihintay ko pa yung doctor na chumecheck sa kanya" sabi ni Tristan habang nakayuko
"Irene, call Ian para malaman nya na baka hindi agad tayo makabalik sa hotel." Utos ni Leo saka umupo sa tabi ni Tristan
"Leo, Irene, okey lang ba na kayo muna ang bahala kay Cassandra. May importante lang akong aasikasuhin?" Tanong ni Tristan sa dalawa
"Sure, sure. Go ahead, kami na bahala dito." Sabi ni Leo habang tinatapik ang balikat ni Tristan
"Thanks. Please pakitawagan nalang ako if may malay na sya" sabi ni Tristan habang inaabot ang business card kay Leo
"Sige Tristan. Update ka agad namin. Magingat ka. Don't worry about her, kami bahala sa kanya" sabi ni Irene
"Thanks Guys! I'll go now" paalam nito saka naglakad paalis
Hawak hawak ni Leo ang business card na iniwan ni Tristan "Tristan Tolentino? Tolentino Shipping Company?" Saka ito tumingin kay Irene at iniabot sa dalaga ang business card
"Why?" Tanong ni Irene saka kinuha ang card "Gosh! Are they related to each other?" Tanong ni Irene
Nagkibit balikat si Leo "We both don't know!"
Pagalis ni Leo sa ospital, dumeretso agad sya sa tinutuluyan ni JM
"Nasan si Martin?!" Galit na tanong ni Tristan sa katulong na nagbukas sa kanya
BINABASA MO ANG
OUR PERFECT TIME
Romance"I finally understood what true love meant...love meant that you care for another person's happiness more than your own, no matter how painful the choices you face might be." - Nicholas Sparks