"then marry me!"Parang huminto ang mundo ni Ashley sa narinig nya. Mahal nya si Matt pero hindi nya inaasahan ang ganitong tanong nya. Wala pa silang isang taon magkarelasyon, alam nila pareho na hindi basta basta ang papasukin nila pag nagkataon. Hindi alam ni Ashley kung anong isasagot niya sa nobyo.
"Ahm! Hon, what do you mean?" yun ang lumabas sa bibig ni Ashley
"Hon, marry me. Pakasalan mo ko, magpakasal na tayo. We love each other,right?"
"Ahm! Yah, Oo alam naman natin yun, but Hon hindi ba maaga pa para pumasok tayo sa ganung stage,what I mean bago palang tayo, madami pa tayong madidiscover sa isa't isa."
Binitawan ni Matt ang kamay ni Ashley "You don't want to marry me?" mahina nitong tanong
"No! No,Hon! Hindi sa ganun. I love to. But wag muna tayong magpadalos dalos. Ok naman tayo as boyfriend girlfriend, we still have each other. Madami pa kong gustong gawin, ayokong iasa sayo lahat. Gusto ko if ever magpapakasal tayo, gusto ko everything is settle,nagsisimula palang ako sa career ko,Hon. Plesae don't get me wrong" pakiusap ni Ashley. Hinawakan ni Ashley ang kamay ni Matt "May problema ba?"
"Natatakot lang ako na mawala ka ulit sa akin. Na maagaw ka ng iba. Mahal na mahal kita,Hon. Lahat gagawin ko para sayo." seryosong sabi ni Matt habang nakatingin sa mga mata ni Ashley
"Hindi ako mawawala sayo,Hon. Hindi natin kaylangan magpadalos dalos sa desisyon natin. Im all yours, kayo na ni Dustin ang pamilya ko. Just give us more time to get ready to enter in the new chapter of our lives."
Niyakap ni Matt si Ashley "I love you,Hon."
"I love you too. Pagkatiwalaan mo lang ako,Hon."
Hindi naman nagtagal sa ospital si Matt, kinabukasan ay nadischarge narin sya. Bago sila umuwi ay dumaan muna sila sa Hotel kung saan nagcheck in si Ahley,para kuhanin ang gamit nito at umuwi sa bahay nila ni Matt. They decided na magstay muna sa bahay para makapagpahinga.
Nasa entertainment room sila,at nanood ng movie. Nakaupo si Ashley sa sofabed habang nakahiga si Matt sa lap ng dalaga.
"Hon,what if bumalik na tayo sa US." tanong ni Matt
Natatawa si Ashley "Ha? Akala ko ba 6 months ka dapat andito sa company mo? Magiisang bwan palang tayo,Hon?"
"Yah, what I mean is wag na natin paabutin ng 6 months, so far naman nahahandle naman ng ayos ng staff ko dito eh. Yung remaining months natin, yun nalang yung iEurope Tour natin, what do you think?"
"Hon, Ok lang ba na tapusin ko muna yung project kina Mark Acosta? Mga 3 months, kaya naman matapos yun eh"
"So, itutuloy mo pala yun project?"
"Ahm, yah. Sana. Sayang din kase yun,Hon. Patapos na yung ongoing project ko sa US, mabuti na nga lang pumayag yung client na si Jane ang makipagcoordinate sa kanila."
"Hon, sa totoo lang you don't need to work. Actually, much better if you just stay at home, ikaw nalang magasikaso kay Dustin. "
Kumunot ang noo ni Ashley "Hon? We talk about that diba? Hindi mo ko resposibilidad,Hon. As long as kaya ko naman magwork, magwowork ako. Malaking bagay na nga sa akin ang pagiistay ko sa bahay mo eh. Ayoko naman na ikaw nalang lahat."
BINABASA MO ANG
OUR PERFECT TIME
Romance"I finally understood what true love meant...love meant that you care for another person's happiness more than your own, no matter how painful the choices you face might be." - Nicholas Sparks