Araw ng kasal ni JM at Dina, maagang naging busy ang araw na iyon. Lahat ng kasali sa entourage ay nakacheck in na sa hotel a night before the wedding day, maliban kay JM. Pinili ni JM na magpalipas ng magdamag sa mansion nila.
"Is Martin already up?" Tanong ni Tristan sa maid
"Yes, Sir. Nasa pool side na po sya." Sagot ng maid
Tinungo ni Tristan ang poolside, at naabutang nagkakape ang kapatid at tulala. "Good your up, katatawag lang ng bride mo, on the way na daw ang Glam Team mo" pangaasar ni Tristan
Isang pilit na tawa ang isinagot ni JM "Umalis ka kagabi?"
"May pinuntahan lang akong kaibigan. Are you ready for your vow?" Patuloy na pangaasar ni Tristan
Natatawang umiiling si JM "Hindi ko alam kung talaga mainit ang dugo mo sa akin at ipinagtutulakan mo ako sa kasal ko." Pabirong sagot ni JM
Natawa si Tristan saka umupo sa tabi ni JM "You know what, ilang taon na tayong magkasama,but ngayon lang ang araw na natatandaan ko na we had a conversation at laughting together. Im maybe a year late, bat gusto kong ipaalam sayo na you have me if you want to talk or help. Im here, Bro. Your Kuya is here for you" nakangiting sabi ni Tristan
Nakaramdam ng kaligayahan sa kalooban si JM. Despite of all the bad things that happened in his life, may masasabi syang may maganda namang nangyari. Ang tanggapin sya ng kapatid nya at magkaayos sila. Lumapit ito kay Tristan at niyakap. "Thanks, Kuya! Salamat! Pakiramdam ko, hindi ako nagiisa"
Tinapik tapik ni Tristan ang likod ng kapatid "Hindi ka na talaga magiisa. Andito kami ni Dad for you. Plus asawa mo, rem?" Pabiro nito
Naghiwalay sila ng yakap at nagtawanan.
"I have no way out sa situation ko. If this is what my destiny looks like, I need to accept it" seryosong sabi ni JM
"Ang dami mong drama, come on Man. You need to prepare, today should be the best day of your life." Natatawang sabi ni Tristan
Napailing nalang habang tumatawa si JM sa pangaasar ng kapatid. Saka naglakad papasok ng mansion.
Naiwan si Tristan na ngingiti ngiti. Masaya sya na nagkaayos silang magkapatid. Saka bumuntong hingga ng maisip ang mga pinagdaanan nila sa mga nakaraang bwan.
At around 4:00 ng hapon, nagdrive papuntang simbahan si JM bitbit ang napakabigat na damdamin. At ng makarating sya sa simbahan, agad syang sinalubong ng mga kaibigan.
"Bro!" Bati ni Leo at Ian saka niyakap si JM
Isang pilit na ngiti lang ang isinagot ni JM.
"JM, I know magsasound akong desperado. Pero, sigurado ka na ba?" Naiiyak na tanong ni Irene
"Wala na akong magagawa. Andito na to. We all know that this might be not the happy ending na inaasahan ko. I just hope na kahit si Ashley man lang, she will find her happiness. Sa oras na masisigurado kong she's OK and she's happy, that's the time na magiging masaya din ako" saka bumuntong hiningga si JM
Agad naman nitong niyakap ni Irene. "Everything will be alright soon, JM"
"I hope so! I hope so!" Saka ito humiwalay sa pagkakayakap ni Irene
BINABASA MO ANG
OUR PERFECT TIME
Romance"I finally understood what true love meant...love meant that you care for another person's happiness more than your own, no matter how painful the choices you face might be." - Nicholas Sparks