"For You!" sabay abot ng bouquet ni Tristan kay Ashley "Im sorry bout what happened last time"
Tinanggap ni Ashley ang bulaklak "Salamat!" saka nito iniunlock ang pintuan ng unit nya "Come in!" yaya nito kay Tristan na nakasunod maglakad sa kanya "You want anything?" tanong nito kay Tristan
Nakatitig si Tristan kay Ashley "Can i invite you out?" seryoso nitong tanong
"Ha? Umh, may lakad kase kami nina Irene tonight. Pero sige, saan ba tayo pupunta?"
"Ah, youo have plans na pala, sige next time nalang" pilit na ngumiti si Tristan para maitago ang pagkadisappoint
"Pwede naman akong sumunod sa kanila"
Umiling si Tristan "No, It's OK, madami pa namang time. By the way, about what happened last time... Im sorry sa inasal ko. Hindi ko lang maiwasan na magselos. Im sorry"
Pilit na ngumiti si Ashley "Ok lang yun, pasensya ka na din noon, hindi pa kase OK ang pakiramdam ko nun."
"I understand. Umh, tom. ba pwede ka ba,mga after lunch?"
Tumango si Ashley "Sige. I'll call you pag nakauwi na ko bukas"
Napakunot ang noo ni Tristan "Magoovernight ka kina Irene?"
"No! Hindi kami nina Irene magoovernight. Sa bagong bahay nina Ian at Tina. Nagkayayayan kase" pageexplain nito
"Ah! Gusto mo bang ihatid nalang kita dun?"
Umiling si Ashley "Hindi na, magpahinga ka nalang. Friday ngayon, for sure matraffic"
Tumitig muli si Tristan kay Ashey at bahagyang lumapit at hinawakan ang pisngi "Are you still mad at me?" seryoso nitong tanong
Ngumiti si Ashley at umiling "Hindi ako galit, nagtampo lang. Maghapon mo kong pinaghintay ng message at tawag mo. Akala ko dinamdam mo yung nangyari last time. Nagtampo, nagalala pero hindi ako nagalit. Ikaw pa ba matitiis ko?"
Napangiti si Tristan saka niyakap si Ashley "Im sorry! Namiss kita,Cassandra!" malambing nitong sabi habang nakayakap kay Ashley
Napangiti naman lalo si Ashley "Wag mo na kase akong awayin!" Pabiro nitong sabi
Humarap si Tristan saka pinisil ang ilong ni Ashley "Ang ganda mo kase!"
Hinampas ni Ashley sa braso si Tristan habang hinihimas ang ilong na pinisil nito "Aray! Masakit yun!"
Natawa lalo si Tristan at muling niyakap si Ashley "Payakap nga, namiss kita eh!"
"Asus, nakakarami ka na ah!" tatawa tawang sabi ni Ashley
Humarap muli si Tristan "Please, hayaan mo ng ihatid kita sa pupuntahan mo, para dun narin kita susunduin tom" nagpapaawang sabi ni Tristan
Napakunot ang noo ni Ashley "Hindi na naman ako nanalo sayo, sige na sige na! Ang kulit!" tumatawang sabi ni Ashley "Ano bang meron tom? San tayo pupunta?"
Umiling si Tristan at namulsa habang ngingiti ngiti "Wala naman. Gusto ko lang magchill, outside Manila. Ok lang ba?"
"Ok lang sakin, ikaw ang iniisip ko. Dapat pag weekends nagpapahingga ka,wala ka ng pahinga eh" nagaalalang sagot ni Ashley
BINABASA MO ANG
OUR PERFECT TIME
Romance"I finally understood what true love meant...love meant that you care for another person's happiness more than your own, no matter how painful the choices you face might be." - Nicholas Sparks