Naging mahaba ang gabing yun para sa magkakaibigan. After nilang magdinner ng sabay sabay, sinimulan agad nila ang konting inuman sa poolside.
"Dito na ba talaga kayo magiistay,Ian,Tins?" tanong ni Leo
"Naku hindi pa, may ilang part pa kase na need ipolish yung gawa,besides busy pa kase ang interior designer namin" nakangiting sabi ni Ian habang nakatingin kay Ashley
"Don't worry this week, magseset ako ng appointment sa inyo, I swear!" sabay taas ng kanang kamay ni Ashley na wari'y nanunumpa.
"Hoy! Babae! Kakasimula palang natin ng inuman nakailang can ka na, ano Sis malalim ang pinagdadaanan? Anong hugot mo?" pangaasar ni Irene kay Ashley na katabi nya
Umiling si Ashley "Grabe, pag ginanahan lang uminom, may pinagdadaanan na? Diba pwedeng ngayon lang ako nakapagchill after ng hectic na week ko?"
"Bakit pinapahirapan kaba ng Boss mo?" tanong ni Leo bago lumagok ng alak
"Pinapahirapan? Siguro, ewan! Ang hirap nya kaseng basahin eh. Or baka nahihirapan lang talaga ako, ang hirap kase guys to tell you honestly" pilit na ngumiti si Ashley
Hinawakan ni Irene at Tina ang magkabilang kamay ni Ashley "Sis, andito kami para pagsabihan mo, hindi mo kaylangan sarilinan yan. Hindi ka na tulad ng dati, na magisang hahandle ng problema mo, andito na kaming mga kaibigan mo, may kadamay ka ng sa lahat. You're not alone" seryosong sabi ni Irene
Doon na tumulo ang luha ni Ashley,saka yumuko "JM told me, he still love me. He's willing to give up everything just to have me back." pagcoconfess ni Ashley
"Did you accept him again?" tanong ni Tina
"I want to! Gustong gusto ko, kase despite of everything that happened to us, hindi naman nawala ang pagmamahal ko sakanya, pero hindi na kaya ng konsensya ko. May mga tao na naman kaming masasaktan, mga taong walang ibang alam gawin kundi ang mahalin kami. Hindi ko kayang maging masaya habang yung ibang taong parte ng buhay ko ay nasasaktan. Gustong gusto kong panghawakan ang mga sinasabi nya, pero napakawala ko naman atang kunsensya kung tatanggapin ko si JM at iwanan nya yung babaeng katabi nya sa mga oras na may pinagdadaanan sya." umiiyak nyang sabi
Lumapit si Leo at Ian sa likuran ni Ashley at hinawakan sa balikat "Hindi masama kung minsan isipin mo din ang sarili mo,Ashley. You love each other! Bakit kaylangan nyong pahirapan ang mga sarili nyo?" sabi ni Ian
"Ian, hindi naman ganun kadali yun. Paano si Dina, JM is committed already to Dina, mabuti sana kung walang ibang taong maapektuhan. Same with Tristan, hindi naman kaila sa atin how Tristan feels for Ash"
"Pero hindi mo naman sya boyfriend,Ash diba?" tanong ni Leo
"Pero hindi ko sya kayang saktan. He's very good to me, wala syang ibang inisip kundi yung kapakanan ko. Noong akala kong wala na talaga kaming pagasa ni JM, ipinalagay ko na sa sarili ko na kung magmamahal ako ulit, I want it to be Tristan. Alam kong mahal nya ako at hindi nya ako sasaktan"
"Pero si JM ang mahal mo, wag ka naman maging unfair para sa inyo ni JM." sabi ni Irene
Umiling si Ashley "Irene, hindi na kami pwede ni JM, tapos na yung pagkakataon namin para sa isa't isa. Pwede pero hindi na magiging tama kung magsasama pa kami. Wala namang ibang pwedeng sisihin kundi ako lang din. Kung hindi ko sya iniwanan noon at lumayo, hindi sana kami nahihirapan ng ganito pareho"
BINABASA MO ANG
OUR PERFECT TIME
Romance"I finally understood what true love meant...love meant that you care for another person's happiness more than your own, no matter how painful the choices you face might be." - Nicholas Sparks