9 - Each Pain

33 3 0
                                    


Magmula ng bumalik si Matt sa table nila ni Ashley ay nagiba na ang mood nito. Hindi na ito mapakali at kung sino sino na ang tinawagan sa phone nya.

"Honey,is there something wrong ba?" tanong ni Ashley nung napansin ang ikinikilos ng binata

"Sorry, may inaasikaso lang ako. Are you done with you foods naba? Can we go na?" nagmamadali nitong tanong ni Matt

"Ha? Yah! Yah. Halika na."Tatayo palang si Ashley ay naglakad na palabas si Matt. Walang nagawa si Ashley kundi ang sundan ito.

Pagdating nila ng bahay ay nagmamadaling bumaba si Matt ng sasakyan. Sa Library ito dumeretso habang may kausap sa cellphone nya. Rinig na rinig ni Ashley ang malakas na boses ni Matt habang nakikipagusap sa telepono.

"Listen,Man! All I asked is to assist her to leave that place. Do anything just make sure she'll leave that place. I want your updates in an hour if what was happened,OK? Then If ever Dustin asked if why her Mom is in our house, just say that his Mom is sick. Then call Dr. Conner to check Kate,OK?" Sunod sunod na instruction ni Matt sa kausap sa telepono.

Pumasok sa library si Ashley, hindi nya maiwasanan ang magtanong sa mga narinig nya "May problema ba? Im sorry,pero narinig ko, nasa bahay mo ba si Kate? Why?"

Umupo sa sofa si Matt at inihilamos ang dalawang palad sa mukha nya, kita ang pagaalala at init ng ulo nito "Yah! Yah, Nasa bahay sya, ipinasundo ko sya sa condo unit nya, she called me, sinaktan daw sya ni Will." nagaalalang sagot ni Matt

"Then, sayo sya tumawag para magparescue? Tell me Matt, matagal ka na bang may contact sa asawa mo?" inis na tanong ni Ashley

Tumayo si Matt at nakapamewang na nakaharap kay Ashley "Ako lang ang alam nyang malalapitan nya, ofcourse, may communication pa kami, we have Dustin. We maybe separated but we're still parents to our son! She's still the mother of my kid!"

"A mother? Magmula ng nagkakilala tayo Matt, never ko pang nakita na dumalaw o inasikaso ni Kate si Dustin, Ina parin ba ang tawag dun? I asked you for many times, if you still talking to Kate, yet you told me na wala ka ng balita sa kanya. Pinaglilihiman mo ba ko,Matt?" inis na sagot ni Ashley

"For God Sake,AC. Hindi lahat ng bagay tungkol sa pamilya ko, kaylangan kong ipaalam sayo!" Sigaw ni Matt

Nabigla si Ashley sa pagsigaw ni Matt. That's the first time na pinagtaasan sya ng ganun ng nobyo. Naramdaman nalang ni Ashley ang pagtulo ng luha nya "Your Family! Yah! You're right, bakit kaylangan ko nga bang malaman ang lahat ng tungkol sa tinatawag mong Pamilya. Sorry ah! Sorry, kase akala ko sa 8 months na magkasama tayo, akala ko kasama na ako sa Pamilya mo. Im sorry!"saka humakbang patalikod si Ashley

Napasabunot na nalang ng sarili nyang buhok si Matt "Please! Wag mo munang isabay yang pagiinarte mo ngayon,AC. Madami akong iniisip na problema!"

Natawa ng bahagya si Ashley "Tumawag lang si Kate, madami ka ng problema? Fine! I let you deal with your Problems!" saka ito lumabas ng library

Napaupo nalang sa sofa si Matt at nasuntok ang lamesa sa harapan nya "DAmn! Damn! Damn!" sigaw nito

Habang si Ashley ay dumeretso sa kwarto at doon umiyak. Hindi nya maexpalin kung bakit sya nasasaktan, dahil ba pinaglihiman sya ni Matt tungkol sa pakikipagcommunicate sa dating asawa, sa pagaalala nitong ipinapakita kay Kate or ang katotohanan na hindi pala sya kasama sa itinuturing na pamilya ng nobyo. Tanging iyak nalang ang nagawa nya, wala naman kase syang mapagsasabihan ng problema, wala syang pamilyang maiiyakan o kaibigan na pwedeng hingian ng advice. She fell alone again.

OUR PERFECT TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon