5 - The Struggle is REAL

39 3 0
                                    

Maagang nagising si Matt, agad syang pumunta sa kwarto nila ni Ashley para maagang magprepare para sa pagpasok sa opisina. Hindi nya maiwasan na lapitan ang natutulog na nobya, himaplos nito ang pisngi ng dalaga at inayos ang magulong buhok.

"Sana maisip mo kung gaano kita kamahal, kaya ang sakit sakit para sa akin ang malaman na pinaglihiman mo ko. OK lang sana kung ibang lalaki e, kaya lang si JM yun, minahal mo ng sobra yun, anong laban ko sa first love mo?" Pabulong nitong sabi na parang kinakausap ang nobyang tulog. Bago sya tumayo sa kama ay hinalikan nya muna ang dalaga sa ulo,saka pumasok sa CR para magayos ng sarili sa pagpasok.

Natapos ng maligo at magbihis si Matt ay tulog parin si Ashley. Bago sya lumabas sa kwarto ay hinalikan nya muna ulit si Ashley sa ulo nito "I love you, Hon!" bulong nito saka lumabas sa kwarto para pumasok sa opisina.

Habang nasa byahe si Matt, hindi nya maalis sa isip ang nobya na iniwan magisa sa kwarto, di nya akalain na matitiis nya si Ashley. Masyado kase syang nasaktan sa nangyari. Natatakot sya na baka iwanan sya ni Ashley at bumalik sa JM na yun. Baka hindi nya kayanin.

Habang si Ashley, biglang napabaligwas ng gising. Agad nyang tiningnan ang oras sa gilid ng kama. 9:00! Patakbo syang tumayo sa kama at lumabas ng kwarto para icheck si Matt, pagpasok nya sa guest room wala na si Matt, chineck nya sa kitchen saka sya tumingin sa garahe at doon nakumpirma na nakaalis na ang nobyo. Umalis si Matt na hindi man lang nagpaalam sa kanya. Lumong lumo na naupo sa sofa si Ashley,ng nilapitan sya ng maid.

"Maam AC, dito po ba kayo magbebreakfast? Nagpaluto po kase si Sir Matt ng almusal para sa inyo" tanong ng maid

"Nagbreakfast po ba si Matt bago umalis?" tanong ni Ashley sa maid

"Hindi po,Maam. Sinabihan nya lang po ako na ipagluto kayo"

"Ganun po ba? SIge po Manang, mayamaya nalang po ako kakain. Salamat po" Tumalikod ang katulong sa kanya. Umakyat sya sa kwarto nila ulit at kinuha ang cellphone nya at dinaial ang number ni Matt. Mabuti nalang at sinagot ni Matt agad ang tawag nya

"Hon, maaga ka daw umalis sabi ni Manang? Sana ginising mo ko" malambing na tanong ni Ashley

Isang buntong hininga muna ang pinakawalan ni Matt bago ito umimik "Nagmamadali kase ako, madami akong meeting today, I'll be very busy maghapon" pagdadahilan ni Matt

"Ganun ba? Sige, hintayin nalang kita dito sa bahay mamayang dinner"

"No need! Wag mo na kong hinitayin, gagabihin ako." sagot ni Matt

"Ha? Mga anong oras ka makakauwi?" malungkot na tanong ni Ashley

"I don't know. Sige na, I need to end this call, any minute magiistart na ang meeting ko. Bye"

"I love..." hindi na tinapos ni Ashley ang sasabihin dahil narinig nya nag pag end call sa kabilang linya.

Galit parin sa kanya ang nobyo,kaylangan na nya talagang ipaalam kina JM at Mark na magququit na sya sa project. Agad na naligo at nagayos ng sarili si Ashley para pumunta sa CZLC.

Around 11:00 na ng makarating si Ashley sa CZLC,pagdating sa opisina ni Mark, ay agad syang sinalubong ng tanong ni JM

"Bakit ngayon kalang? Dapat 9:00 andito ka na,diba? Ms. Ashley Cassandra Cruz, busy kaming mga tao, hangga't maari ayaw ko na nasasayang ang oras ko" may bahid ng galit na sabi ni JM

OUR PERFECT TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon