14 - It's OVER

29 3 0
                                    




Wala ng nagawang trabaho si Ashley after ng paguusap nila ni Kate. Naabutan ni Jane si Ashley ng iyak ng iyak at puro kalat sa opisina nya. Hindi na tinanong ni Jane si Ashley bagkus ay niyakap ito ng mahigpit at sinabing hindi sya nagiisa, na may karamay sya sa kung ano mang pinagdadaanan nya. Nang mahimasmasan na si Ashley ay doon lang nya nasabi kay Jane ang lahat.

"Hindi ko alam kung bakit kaylangan ko maranasan tong lahat ng to. Malapit na kong mawalang ng pagasa sa buhay, puro nalang problema. Hindi ko na alam ang gagawn ko,Jane" humihikbing sabi ni Ashley

Hinawakan ni Jane ang kamay ni Ashley "AC, hindi lang ikaw ang may problema sa mundo. May ibang tanong mas malaki ang pinagdadaanan ngayon,pero kinakaya nila t lumalaban sila sa buhay. Wag kang mawalan ng pagasa. Madaming dahilan para lumaban sa buhay. Wag kang maghanap ng ibang tao o bagay para maging dahilan mo para lumaban, ang sarili mo, isipin mo ang sarili mo, lumaban ka para sayo, para sa kinabukasan mo. Madami pang mangyayari at darating na tao sa buhay mo"

Niyakap ni Ashley si Jane mg mahigpit "Salamat,Jane. Ikaw lang ang meron ako sa ngayon. Isang katulad mo ang kailangan ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung wala man lang akong mapagsabihan ng mga pinagdadaaanan ko"

Humarap si Jane kay Ashley "Talk to Mr. Smith first. Hindi mo pa alam kung totoo ba ang sinabi ng Kate na yun"

"Yes, I know. Pero natatakot akong malaman ang katotohanan,Jane" naiiyak na sabi ni Ashley

"May ipinagkaiba ba ngayong hindi mo pa alam ang lahat? Di ba wala? Nasasaktan ka parin. AC, kaylangan mong harapin ang katotohanan. You deserve that!" Pagpilit ni Jane kay Ashley

Tumango si Ashley saka kinuha ang cellphone at idinaial ang number ni Matt. Nakakailang ring palang ay nasagot na agad ni Matt.

"Hon.." mahinang sagot ni Matt

"We need to talk." Maikling sabi ni Ashley

"Susunduin kita dyan sa opisina mo"

"No! Sa unit ko nalang tayo magkita. I'll be there in 20 mins" saka inend call ni Ashley. Humarap ito kay Jane.

Tumango si Jane "Gusto mo samahan kita?"

Umiling si Ashley at isang pilit na ngiti ang pinakawalan "Hindi na. Salamat"

"Call me,OK? Pupuntahan agad kita"

Tumango si Ashley "Thanks,Jane" saka niyakap si Jane.

Katulad ng sinabi ni Ashley kay Matt, nakarating agad ito sa condo nya. Nauna si Ashley na makarating sa unit nya, agad itong nagbukas ng Jack Daniel at magisang tumungga habang naghihintay kay Matt. After 30 mins ay narinig nya ang pagpasok ni Matt.

Nabigla si Matt ng makita si Ashley na nagiinom "Hey! Hey! What's that?" Akmang aagawin ni Matt ang basong hawak ni Ashley pero agad umiwas si Ashley at tumayo "Hon, bakit ka nagiinom?"

"For a change! Sa ngayon ito lang ang kayang kong gawin sa lahat ng pain na nararamdam ko ngayon" sagot ni Ashley na halatang may epekto na ang alak na iniinom

Napabuntong hiningga si Matt "Please, tama na yan. Let's talk" pakiusap ni Matt

"Yah, we definitely need to talk. So now, talk Matt! Sabihin mo lahat ng dapat mong sabihin sakin" mahina pero galit na sabi ni Ashley

OUR PERFECT TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon