Nakarating ng condo ni Ashley sila ni Tristan ng walang imikan. Tahimik silang pumasok sa unit ni Ashley, agad na naupo sa sofa si Tristan.
"Ahm! You need anything?" Alok ni Ashley
Umiling si Tristan at ngumiti. "Let's talk. Makikinig ako"
Umupo si Ashley sa tabi ni Tristan "Im sorry!" Mahina nitong sabi habang nakayuko
"For? Sa nakita ko kanina o para sa mga bagay na hindi mo pa sinsabi sa akin?" Malungkot na tanong ni Tristan
"For hurting you, Tristan. Hindi ko sinsadya ang nangyari kanina, It just happened na, na wala ng ibang tumakbo sa isip ko nun kundi ang makarating kay JM at masigurado kung how was he. Takot na takot ako for him, Tristan" naiiyak nitong sabi
"You still care about him.... You still love my brother?"
Napahagulhol si Ashley "Im sorry, Im sorry!"
Napatakip ng mukha ng dalawang palad si Tristan , at hindi na napigilan ang pagiyak "Why, Cass? Anong pagkukulang ko? Bakit sya parin?"
Umiling si Ashley "I love you, Tristan. That's true. Mahal kita."
"Pero he's still there in your heart. You still love my brother more than you love me. Yun yung mas masakit dun, Cass. Ang mahalin ako habang mahal mo sya" umiiyak nitong sabi
"But I choose you, Tristan. I choose to be with you!"
"Dahil you have no choice! Dahil he's committed already!"pasigaw nitong sabi "Kung wala naman Dina, for sure you'll be with him. For sure hindi mo ako mabibigyan ng chance. Umasa ako Cass , umasa ako"
Hindi na nakapagsalita si Ashley at humagulhol na ng humagulhol. Nasasaktan sya na makitang nasasaktan si Tristan ng dahil sa kanya.
"Alam mo sa simula palang kung gaano ka kaimpotante sa akin, at kung gaano kita kamahal. Masaya ka ba sa akin,Cassandra?"
Iniangat ni Ashley ang mukha at tinitigan si Tristan "I love you, and being with you makes me happy"
"Masaya ka pero mas nananaig ang lungkot mo dahil you cant have my brother!" Sabi nito saka pinunasan ang luha nya "You know what, kanina daig ko pa ang pinatay sa nakita ko. Ang sakit sakit! Hindi ako nasaktan dahil sa yakap yakap ka nya, what hurts me alot was the way you worry about him.... the way you looked at him! You never look me that way, you can never look me that way, same as you can never love me the way you love my brother!"
Saglit na walang nagsalita sa kanila, hindi makatingin si Ashley ng deretso kay Tristan dahil naguiguilty sya, alam nya sa sarili nya na totoo lahat ng sinasabi nito.
"You know how much I love you, Cassandra. Pero hindi naman ako ganun kaselfish para angkinin ang taong in the first place na hindi naman talaga naging sa akin... I dont want to do this, And I want you to know that it's killing me inside.." umiiyak na sabi ni Tristan saka iniangat ang mukha ni Ashley "Im letting you go, My Love!"
Napatakip ng dalawang palad si Ashley "Tristan, Im sorry! Im really sorry!" Patuloy na pagiyak nito."I don't want to hurt you! You don't deserved this, Im sorry"
"You already did! You already hurt me"
"Im sorry! Sinubukan ko, Tristan. Akala ko, pag sinagot na kita, mawawala na ang feelings ko sa kanya. Im sorry, sorry kung habang minamahal kita, mahal ko parin sya"
BINABASA MO ANG
OUR PERFECT TIME
Romance"I finally understood what true love meant...love meant that you care for another person's happiness more than your own, no matter how painful the choices you face might be." - Nicholas Sparks